Diwata kinuhang empleyado ang kaibigang sumaksak sa kanya

Diwata kinuhang empleyado sa paresan ang kaibigang sumaksak sa kanya

Ervin Santiago |April 29,2024
facebook
share this

Diwata kinuhang empleyado sa paresan ang kaibigang sumaksak sa kanya

Ervin Santiago - April 29, 2024 - 04:35 PM

Diwata kinuhang empleyado sa paresan ang kaibigang sumaksak sa kanya

Coco Martin at Diwata

TRABAHADOR na ngayon ng viral paresan owner at vlogger na si Diwata ang kaibigang sumaksak sa kanya sa mukha ilang taon na ang nakararaan.

Ibinalita ni Diwata na ang dating kaibigang nakaaway at sumaksak sa kanya sa mukha ay nakausap at napatawad na niya sa kabila ng ginawa nito sa kanya.

At bukod sa pagpapatawad, tinanggap din ng social media personality ang kaibigan bilang empleyado sa kanyang sikat na sikat nang Diwata PARES Overload.

Baka Bet Mo: Diwata binabalikan ng mga ex-dyowa mula nang yumaman at sumikat

Sa panayam ni Toni Gonzaga kay Diwata para sa YouTube channel nitong “Toni Talks”, sinabi nitong nagkaayos na sila ng nakaalitan niyang friend at muli niya itong tinanggap nang buong-buo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nagpakilala muna si Diwata sa mga subscribers ni Toni sa YouTube gamit ang kanyang paandar na intro sa viral video niya noong dalhin sila ng kaibigang sumaksak sa kanya sa presinto.

“Nagmula sa kalangitan, lumagapak sa kalupaan, narito na sa inyong harapan ang nag-iisang Diwata, diyosa ng mga paresan!” ang hirit na pagpapakilala ni Diwata.

“Binago ko na,” ang chika ni Diwata kay Toni.

Baka Bet Mo: Diwata arestado sa kasong slight physical injuries, nagpiyansa ng P3K

“Ay hindi na duguan? ‘Yung sa kawatan?” tanong ng TV host-actress sa kanya.

“Hindi na. binago ko na siya. Saka ‘yun, ‘yung ano namin du’n (away at kaso) okay na ‘yun,” sey ni Diwata.

“Yung sumaksak daw sa ‘yo nagtatrabaho na?” sundot na tanong ni Toni.

“Yes, naka-move na kaming lahat. Nasa akin ngayon,” tugon ni Diwata na isa na rin ngayong artista dahil napapanood din siya sa “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin.

Pagbabalik-tanaw ng socmed star, kaya raw sila nag-away-away noon ay dahil sa pagsaway niya sa kaibigan na itigil na nito ang pagbibisyo. Mariin din niyang itinanggi na gumamit siya ng droga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayon daw ay okay na okay na si Diwata at ang kanyang kaibigan at umaasa rin ang paresan owner na mas marami pa siyang matulungang mga nangangailangan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending