Diwata arestado sa kasong slight physical injuries

Diwata arestado sa kasong slight physical injuries, nagpiyansa ng P3K

Ervin Santiago |April 18,2024
facebook
share this

Diwata arestado sa kasong slight physical injuries, nagpiyansa ng P3K

Ervin Santiago - April 18, 2024 - 02:26 PM

Diwata arestado sa kasong slight physical injuries, nagpiyansa ng P3K

Deo Balbuena a.k.a. Diwata

ARESTADO ang social media personality na si Diwata dahil sa kasong “slight physical injuries” na isinampa laban sa kanya noon pang 2018.

Hinuli ng mga operatiba ng Pasay City police Warrant and Subpoena (WSS) si Diwata o Deo Balbuena sa tunay na buhay, sa Pasay City, nitong Martes ng umaga, April 16.

Base sa report, inaresto si Diwata bandang alas-10 ng umaga sa pag-aari niyang paresan na matatagpuan sa Diokno Boulevard, Brgy. 76, sa Pasay City.

Baka Bet Mo: Kit Thompson nakalaya na matapos magpiyansa ng P72K; Ana Jalandoni hindi iuurong ang kaso

Ito’y base na rin sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng mga tauhan ng WSS sa pangunguna ni P/Lieut. Alexander Macarunay.

Ayon kay Pasay City police chief P/Col. Mario Mayames, Jr., ang warrant of arrest ay inusyu ni Pasay City Metropolitan Trial Court (MeTC) Judge Allan B. Ariola ng Branch 48 noon pang October 2, 2018 dahil sa kinakaharap nitong kasong slight physical injuries.

Ngunit agad din namang nakalaya si Diwata matapos makapagpiyansa ng halagang P3,000.


Nitong nagdaang linggo ay nag-viral uli si Diwata matapos ireklamo ang kanyang paresan dahil nagdudulot ito ng matinding trapik sa kalsada na papasok sa Senate building.

At nang magsagawa nga ng kaukulang inspeksyon ang mga otoridad sa Preston ng kainan ni Diwata ay nalamang wala pala itong mga kaukulang permit kaya ipinatigil ang operasyon nito.

Baka Bet Mo: LGBTQ member na nag-viral matapos rumampa sa presinto, asensado na ngayon

Nang makiusap si Diwata kay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ay binigyan naman siya ng pahintulot na magtinda uli ngunit kailangan niyang kumuha ng mga permit sa loob ng dalawang buwan.

Nitong nagdaang araw ay ibinandera naman ng kampo ni Coco Martin ang pagkakapili kay Diwata bilang bagong cast member ng “FPJ’s Batang Quiapo.” Gagampanan niya rito ang karakter ni Frida.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, talagang natuwa rin si Coco sa social media star lalo na nang pumatok at nag-viral ang kanyang sikat na sikat na paresan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending