Kit Thompson nakalaya na matapos magpiyansa ng P72K; Ana Jalandoni hindi iuurong ang kaso | Bandera

Kit Thompson nakalaya na matapos magpiyansa ng P72K; Ana Jalandoni hindi iuurong ang kaso

Ervin Santiago |March 22,2022
facebook
share this

Kit Thompson nakalaya na matapos magpiyansa ng P72K; Ana Jalandoni hindi iuurong ang kaso

Ervin Santiago - March 22, 2022 - 11:24 AM

Ana Jalandoni at Kit Thompson

Ana Jalandoni at Kit Thompson

NAKAPAGPIYANSA na ang Kapamilya hunk actor na si Kit Thompson para sa mga reklamong physical abuse at illegal detention.

Ito’y may kinalaman nga sa umano’y pambubugbog niya sa kanyang girlfriend na si Ana Jalandoni na isa ring artista at producer.

Ayon kay Tagaytay chief of police Police Lt. Col. Rolando Baula, pansamantalalang nakalaya si Kit kahapon mula saTagaytay PNP Headquarters, dakong alas-5 ng hapon, matapos piyansahan ng kanyang abogado.

“He was released in good physical condition. He bailed for P72,000,” sabi ng opisyal sa isang panayam.

Kinasuhan ang binata ng violation of Section 5 (a) of the Republic Act 9262 or the Anti-Violence against Women and Children Act dahil sa ginawa niya kay Ana na nagpapagaling na ngayon matapos magtamo ng matinding sugat at pasa sa mukha at iba pang bahagi ng katawan.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang official statement hinggil sa kaso si Kit. Maging ang talent management niyang Cornerstone Entertainment ay hindi pa nagbibigay ng update sa kaso.

Napag-alaman din na ang Cornerstone rin ang nagma-manage sa career ni Ana matapos magpadala ang CEO at presidente nitong si Erickson Raymundo ng bulaklak sa dalaga.

Ipinost ni Ana sa kanyang Instagram account ang litrato ng bouquet of flowers na ipinadala sa kanya ni Erickson

“Dear Ana…

“Please know that you are in our prayers and we fervently hope for your speedy recovery.

“See you when you feel better and let us know if you need anything from us. God bless.

“Love, Erickson Raymundo and your Cornerstone Family,” ang nakasulat sa card na nasa bulaklak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ana Jalandoni (@realanajalandoni)


Sabi naman ng legal counsel ni Ana na si Atty. Faye Singson, desidido na raw ang aktres na kasuhan si Kit, “Yes, she is bent on pursuing the case. Actually, we are preparing to press charges to the fullest extent of the law.”

Matatandaang inaresto ang Kapamilya actor sa isang hotel sa Tagaytay City nitong nagdaang Biyernes dahil umano sa pananakit at pananakot nito sa biktima.

Bago makalaya, sumailalim muna sa inquest proceedings ang nakulong na aktor sa Tagaytay City Prosecutor’s Office, ayon pa sa ulat ng pulisya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hintayin na lang natin kung mapapatawad pa ni Ana ang kanyang boyfriend at kung itutuloy ba niya o iuurong ang mga kasong isinampa niya laban sa aktor.

Kit Thompson pinagmumura ng netizens; Ana Jalandoni pinayuhang huwag patatawarin ang dyowa

Ana Jalandoni mahal pa rin daw si Kit Thompson, pero mapatawad pa kaya ang nakakulong na dyowa?

Kit Thompson balak nang pakasalan si Ana Jalandoni: Mahal na mahal niya yung girl, pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending