Diwata babandera na sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’
KINUMPIRMA ng viral street food vendor na si Diwata na magiging bahagi siya ng Kapamilya action series na “FPJ’s Batang Quiapo“.
Sa isang vlog ay proud na ibinahagi ng viral street vendor na nagsimula na siyang mag-taping para sa nasabing programa ngunit hindi niya lang sigurado kung kailan ito ipapalabas.
“Yeah tapos na ang taping ko sa ‘Batang Quiapo,’ pero next taping, hindi ko pa alam kung kailan. Pero nag-taping na ako. So, waiting na lang kung kailan ipapalabas. Abangan n’yo ko dun,” pagbabahagi ni Diwata.
Pagpapatuloy pa niya, ang mga nakasama niya sa eksena ay sina Coco Martin, Ivana Alawi, at Kim Rodriguez.
Baka Bet Mo: 2 ‘diwatang’ reporter nagpiyesta kay poging aktor
View this post on Instagram
“Basta Diwata pa rin ako doon,” chika pa niya sa kumg ano ang gagampanan niyang papel sa “Batang Quiapo”.
Nakuwento rin niya na natanong siya kung maaari bamg gawing location ng shoot nila ang kanyang stall.
“Pwede… kaya lang sabi ko baka dumugin tayo,” sabi ni Diwata.
Ibinahagi rin niya ang screenshot ng ulat ng ABS-CBN News tungkol sa paglabas niya sa naturang serye.
“Pangarap ko lang dati sila makita pero ngayon makakasama kuna,” masayang sey ni Diwata.
Marami naman ang super happy para sa viral street vendor sa nakukuha nitong blessings at exposure.
“Deserve Niya yan kasi lumalaban siya Ng patas sa kapwa nakakahanga ka diwata,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Congratulations idol deserve mo yan dahil napakasipag mo.”
“Tunay talaga kasabihan MADAM Diwata PARES OVerLoad na Ang taong gumagawa Ng kabutihan at pilit sisiraan ay lalong aangat sa buhay,dahil Ang Dios Ang KAKAMPI nya.at Ikaw yon Madam diwata Ang example Dyan dahil halos maraming taong siraan ka pero deritso kaparing umangat dahil sa kabutihan nang yong Puso,” hirit naman ng isa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.