2 'diwatang' reporter nagpiyesta kay poging aktor | Bandera

2 ‘diwatang’ reporter nagpiyesta kay poging aktor

Den Macaranas - July 13, 2016 - 12:10 AM

NAGULAT ang isang sikat na young actor sa ikinilos ng dalawang news reporter na nagpakilala sa kanya makaraan ang guesting nila ng kanyang ka-love team sa isang morning show.

Hindi kasi nakapagpigil ang dalawang baklitang news reporter at halos kuyugin nila ang sikat na aktor.
Wala kasing ka ide-ideya ang young actor na mga beki pala ang nasabing mga reporters na madalas niyang mapanood sa primetime newscast ng kanilang himpilan.

Natawa na lang daw si aktor nang ibulong sa kanya ng kanyang personal assistant na mga beki ang dalawang media personalities na napapalitan sa pakikipag selfie sa kanya.

Napansin din ni aktor na halos hindi pinapansin ng dalawang reporter ang kanyang girl na ka-love team gayung sikat na sikat din ito sa kasalukuyan.

Talaga namang sa kanya lang daw nag-focus ang dalawa kaya pati ang ilang tao sa newsroom ay hindi napigil ang pagtawa sa kanilang mga nakita na tila’y pagladlad ng kani-kanilang mga kapa.

Si Reporter D ay matagal nang umamin at kilala na sa network ang kanyang boyfriend na madalas niyang irampa sa social media.

Si Reporter J naman ay medyo
nagpipigil pa at halos ayaw ipahalata ang kanyang pagiging “diwata” sa madla pero nang kanyang makita ang aktor na matagal na pala niyang type ay tila naging maluwag daw siya sa pagbabantay sa kanyang public image.

Minsan na rin nating naging subject sa Wacky Leaks si Reporter J na nakarelasyon ang isang lalaki na naging bading din na reporter sa kanilang network.

Dahil sa kontrobersiya ay nag-resign sa trabaho ang mamamahayag na iyon dahil daw sa labis na kahihiyan.

Ang aktor na kulang na lang ay gawan ng kahalayan ng dalawang nagpapanggap na mga macho na reporter ay si Actor A….as in Alien.

Ang dalawang hindi nakapagpigil na mga news reporter ay sina D…as in Diana….at J….as in Juicy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending