ni Ronalyn Paderes, Klik Bandera Entertainment
NAGSIMULA bilang isang stand-up comedian sa isang comedy bar, malayung-malayo na ang narating ng TV host-comedian na si Arnell Ignacio. Mula noon hanggang ngayon, isa pa rin si Arnell sa hinahangaan ng maraming Pinoy dahil sa kakaiba niyang style sa pagko-comedy. Bukod sa pag-aartista, successful businessman na rin si Arnell, at bonggang-bongga pa rin ang “wig” business niya.
NAKACHIKAHAN ng Bandera si Arnell and, as usual, puro halakhakan at walang tigil na pagpapatawa ang naganap. Narito at basahin natin ang kabuuan ng aming exclusive interview sa nag-iisang Arnell Ignacio.
BANDERA: Kamusta ka na ngayon?
ARNELL IGNACIO: Stressed ako kasi ang tagal naming nag-travel (para sa photoshoot ng Bandera). Pero okay lang, cooling down. Ayos lang.
B: E ‘yung family mo, ano nang kalagayan nila?
A: My family, kaming dalawa ng anak ko, magkasama sa bahay. We’re really…very re-gular.
B: Kamusta ang relasyon n’yong mag-ama?
A: Pangkaraniwan. ‘Yung pangkaraniwang relasyon at pakikitungo sa isang kapamilya.
B: Paano ka bilang magulang sa anak mo?
A: Ah… Usually, para wala nang mga follow-up, I set rules at home. And I expect rules to be respected and followed para wala nang mahabang paliwanagan. And lahat dinadaan sa usapan. Napapagalitan ko rin siyempre. Malambing din minsan. We’re really ordinary.
B: E, ano naman ang mga pinagkakaabalahan mo ngayon bukod sa showbiz?
A: Ah, sa showbiz, hindi na ako masyadong nag-aabala du’n. Ang pinagkakaabalahan ko ay ‘yung Creative Hair System. Well, we’re doing even better this year. We’re bringing our products to Bahrain.
Currently, we’re also distributing RC products in Quezon City and we’re negotiating with Coca-Cola and San Miguel for the beer and other brand of softdrinks.
B: Marami ka na palang business ngayon. Pero as a TV host at artista na maraming shows dati, hindi mo ba ito nami-miss? Bakit parang nag-lie low ka yata sa showbiz?
A: E, alangan namang hanggang sa tumanda ako ay pare-pareho na lang ang gagawin ko. Marami rin namang pumapasok ngayong bago sa showbiz. I had my chance before in showbiz. And probably it’s somebody else’s turn now. Ayoko nang mag-apply-apply pa ng trabaho if there’s somebody who’s there to take my place.
B: Pero kung may mag-offer sa ‘yo ng projects, tatanggapin mo ba?
A: Oo. Pero alam mo, actually wala namang masyadong ipinagbago sa showbiz. Ganu’n pa rin ang rule, di ba? Kung kukunin ka, kukunin ka. Kung ‘di ka kukunin, e, di hindi ka kukunin.
And I’ve learned to set aside my my emotions regarding the nature of showbiz when it comes to talent’s recruitment and talent’s promotion.
B: Sa ngayon, dumarami na ‘yung mga comedian. Hindi ka ba nate-threaten sa kanila?
A: Threaten? Hindi ko kasi major concern ‘yung kasikatan. That’s very ephemeral. I’m really lucky na dinaanan ko ‘yun. Pero by choice, siyempre I choose to keep myself busy with other things. ‘Yung show business kasi, hindi ko naman maipapamana sa anak ko ‘yan eh.
And sadly, showbiz has become a baro-meter of the whole population as the only scale of success and if you’re not a part of it anymore, we think that there’s a failure somewhere. Sa akin, it saddens me that we have landed into a situation like that – na ang tinitingnan na lang natin lagi ay ‘yung showbiz na parang isang napakakumbinyenteng susi para ikaw ay umasenso. It’s a reflection of how sad the state of the society of the Fi-lipino.
B: Dati marami kang awards na na-receive, di ba?
A: Yah, it’s still there.
B: Bukod sa mga awards na natanggap mo noon at bukod sa pagiging magaling na aktor at host, ano pa ang ibang maipagmamalaki mo?
A: Well, as a father, I’m raising my daughter very well. I do household jobs, maintain well and maipagmamalaki ko na wala naman kayong naririnig sa akin na pangit. Hindi ako gumawa kahit kailan ng mga malalaswang bagay para ibalandra sa showbiz at para lang mapag-usapan ako.
I do not subscribe to creating scenes para lang mapag-usapan. And if you check out the records of my career, I don’t think I have done anything like that. ‘Yung privacy ko, hindi ko ginamit. At ‘yung mga eksena sa pribado kong buhay, di ko iyon ginamit na materyales para pag-usapan lang. Maaaring napag-uusapan pero hindi ako ‘yung haharap. At di ako ‘yung tipo na gagawa ng eksena and I will be very careful sa sasabihin at gagawin ko kasi baka iyon ay gayahin ng mga naka-kabasa at nakakapanood.
B: E sa tingin mo, ano ‘yung hindi mo malilimutang experience sa showbiz?
A: Alam mo, sa showbiz kasi lahat ‘yan, mula sa umpisa hanggang sa dulo ay hindi ko makakalimutan. Marami ‘yan, eh. At madugo ‘yan kaya nga ayoko na minsan. Exciting na at the same time, nakakataas ng tensyon. Pero ‘yung eksaktong hindi ko malilimutan, lahat ‘yan. Mabilis mang dumadaan, pero lahat ‘yan umeeksena mula sa umpisa.
B: Ano pa ‘yung gusto mong marating sa buhay aside sa narating mo na ngayon?
A: Well, gusto kong lumaki lalo ‘yung negosyo and dumating ‘yung panahon na ‘yung takbo ng isip ko ay maging influential at beneficial to majority. Iyon, malaking pa-ngarap ko ‘yun. ‘Yun ang mas gusto kong tingnan sa akin kesa ‘yung nanggaling ako sa showbiz.
‘Yung showbiz kasi sa mas objective na perspective ay isang trabaho na ibinigay, pinaghusay at natapos ko nang maganda. Pero ngayon kasi ay parang hindi na gano’n. Kaya ang mas iniisip ko, sana ay dumating ‘yung time na mas magkaroon ng major responsibility ‘yung mga taga-showbiz. Ako na medyo nagre-retire na diyan, gusto ko na lang na how I think would influence people also.
B: E sa politika, di ba tumakbo ka dati bilang konsehal sa QC? May balak ka pa bang tumakbo ulit.
A: Aba, wala na. Mauubos lang ‘yung pera ko d’yan eh. Hahahaha!
B: Kung may bagay ka na gustong baguhin sa sarili mo o sa mga nagawa mo dati, anu ‘yun?
A: Sa sarili ko, siguro sana mas maganda kung naging matangkad ako para mas mahaba ‘yung legs ko. Hahahaha!
B: Nu’ng nakausap pala kita dati sa phone, ang sabi mo ay mahilig ka sa kotse?
A: Yah… Oo.
B: Ilan na ang kotse mo nga-yon?
A: Ngayon, meron na akong limang kotse. Pero currently, ang gusto kong mabili nga-yon ay motor.
B: Marunong kang mag-motor?
A: Hindi. Pero mag-aaral ako.
B: E sino naman ‘yung hinahangaan mong artista?
A: Sa bawat aspect at sa pag-handle ng image and career, hinahangaan ko sina Vilma Santos at Sharon Cuneta kasi parang ang stable nila. Kung paano sila nakilala dati, parang ganoon pa rin sila. Saka sa pag-handle ng fans, for me they are fantastic and amazing.
Si Christopher de Leon, ganoon din. Si Piolo Pascual, here’s a very, very good icon. Ang daming binabato sa kanya pero kung paano n’ya hina-handle ito, magandang tularan. At maraming nag-a-idolize sa kanya, kung gagayahin man siya ng iba ay parang OK na OK.
Sino pa ba? Si Eugene Domingo. She’s very hardworking. Mahaba na ang karanasan niyan eh. Nag-start siya sa teatro and very passionate siya sa kanyang trabaho. Sa music, sina Gary Valenciano at Martin Nievera.
Ang common denominator, hanga ako sa kanila na mga hardworking celebrities at malinaw na malinaw sa kanila kung ano ‘yung gusto nilang gawin.
At saka si ano pala, si German Moreno, I idolize him. Una, ang galing niya kasing humawak ng pera. Pangalawa, napakabait. Pa-ngatlo, matibay. Magaling din siyang ma-kisama at ‘yung pribado niyang buhay ay hindi niya ginagamit para gumawa lang ng eksena. Very responsible siya. Kung ano ‘yung alam niya na pinakamaganda at kung saan siya mas maraming makakasundo, ‘yun ang kanyang isinusulong.
B: How about Nora Aunor? Para kasing may nabasa ako dati na favorite siya ng mother mo?
A: A, oo. Favorite ng mother ko ‘yun. Kasi noong araw naman, it was just Nora Aunor and Vilma Santos. My mom, talagang Noronian siya. ‘Yung bahay namin, may mga litrato ni Nora. She’s an amazing celebrity dahil kahit kailan, kahit ano pang gawin niya, ‘yung mga fans niya, andyan.
I was with her sa California sa US, nakalimutan ko na kung saan. Nakita ko talaga na ‘yung mga fans niya, umiiyak pa at mahal na mahal siya. Si Nora at Vilma dati, parang sinasamba talaga sila ng mga fans nila. I have no words to define kung ano ‘yun.
B: Last and special question mula sa entertainment editor namin: May lovelife ka ba ngayon?
A: Aba lagi naman akong may lovelife, ah. Nandiyan lang ‘yan. Hahahaha!
Bandera, Philippine entertainment news, 112410
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.