Claudine: Galit na galit ako kay God dahil sa mga pinagdaanan ko

Claudine: Galit na galit ako kay God dahil sa mga pinagdaanan ko…

Ervin Santiago - May 14, 2024 - 12:40 AM

Claudine: Galit na galit ako kay God dahil sa mga pinagdaanan ko...

Claudine Barretto

NAPAKALAKI ng naitulong sa personal na buhay ni Claudine Barretto ng celebrity couple na sina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan.

Ang mga magulang daw ng Kapamilya heartthrob na si Donny Pangilinan ang nagbukas sa kanyang isip at puso tungkol sa kapangyarihan ng Panginoong Diyos.

Inamin ng aktres na may pagkakataon na nakaramdam din siya ng pagtataka at galit kay Lord dahil sa matitinding pagsubok na kanyang pinagdaanan nitong mga nagdaang taon.

Baka Bet Mo: Vice Ganda sa pag-abswelto ng Supreme Court kay Vhong: ‘Isang pangyayari lang pero ang daming message mula sa Panginoon’

“First part ng year na ito, galit na galit ako kay God, sa mga pinagdaanan ko, ang dami kong pinagdaanan talaga, lalo na ‘yung last 2 years,” pagbabahagi ng aktres kay Ogie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


May mga pagkakataon pa raw na nagkukulong siya sa loob ng kanyang sasakyan at doon nagsisisigaw habang sinusumbatan si Lord.

“Bakit ang dami kong pinagdadaanan? I don’t deserve this. Lahat ng sinabi Mo, ginagawa ko,” ang umiiyak na tanong daw ni Clau sa Diyos.

Ito raw yung panahon na na-diagnose siya ng depression, anxiety at panic disorder, “Sa dami ng pinagdaanan ko, dapat talaga baliw na ako, baliw na baliw na ako.

“Sa sobrang trauma, kinailangan kong ma-rehab, in Thailand. But it wasn’t because of drugs. It’s because of post-traumatic disorder,” kuwento pa ng estranged wife ni Raymart Santiago.

Baka Bet Mo: Alden umamin: Napakahirap ng mga pinagdaanan ko when I was young

Sa interview sa kanya ng “Ogie Diaz Inspires” na napapanood sa YouTube, grabe ang nagawang tulong sa kanya nina Anthony at Maricel upang magbalik ang kanyang pananampalataya.

Sinabi raw sa kanya ng mag-asawa na okay lang daw na makaramdam siya ng tampo o galit sa Diyos. Nagtataka naman si Claudine sa sinabi ng parents ni Donny.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ayon kay Anthony, ibig sabihin lang daw nito ay naroon pa rin ang paniniwala niya kay Lord. Ang mas nakakatakot daw ay kapag wala siyang nararamdaman kahit na ano dahil baka raw tuluyan nang nawala ang kanyang pananampalataya.

Sey pa ni Clau, iniisip daw niya kung karma ba sa kanya ang mga pagsubok gayung feeling naman niya ay mabuti siyang tao.

Nabanggit din niya na mas lumala pa ang kanyang mental health problems nang mamatay ay kanilang tatay.

“Nagka-depression ako. I was even bashed for that. Kasi noong buhay pa si Tito Ricky Lo, ako unang nagsabi na I am seeing a psychiatrist, I go to therapy, kasi kailangan talaga ‘yon lalo na in showbiz.

“Ang depression, it’s an illness, it’s a disease. Para siyang kapag may heart problem ka, kailangan mo ng gamot. Kailangan mo ng maintenance. Ganoon din ang depression,” ani Claudine.

“Ang sakit kapag tinatawag na bipolar ako, sa mga pinagdaanan ko dapat talagang baliw na ako,” rebelasyon pa ng aktres.

Sa ngayon ay okay-okay na raw siya pero tuloy pa rin ang pag-take niya ng maintenance medicines para sa kanyang mental health.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Proud single mom din siya sa pagtataguyod sa apat niyang anak na sina Sabina, Santino, Quia at Noah.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending