Rosanna Roces enjoy sa taping ng 'Pamilya Sagrado'

Rosanna Roces enjoy sa taping ng ‘Pamilya Sagrado’, panay luto ‘pag day off

Reggee Bonoan - May 11, 2024 - 11:03 AM

Rosanna Roces enjoy sa taping ng 'Pamilya Sagrado', panay luto 'pag day off

BALIK Maynila na ang aktres na si Rosanna Roces pagkatapos ng ilang linggong lock in shoot sa Baguio City para sa teleseryeng “Pamilya Sagrado” kasama si Piolo Pascual.

Halos araw-araw ay may post ang aktres sa kanyang social media account na nagluluto lalo na kapag wala siyang taping.

Hindi rin naman kasi araw-araw ang taping ni Osang kaya may panahon siyang magluto-luto na pinaka-hobby niya.

“Alam mo namang mahilig ako magluto di ba? Kaya kapag walang ginagawa, nagluluto ako para sa lahat o kung sinong may gusto. Kasi ‘yung mga kapwa ko artista naman may mga sariling pagkain din, si Papa P may tagaluto naman,”kuwento ni Osang ng i-chat naming siya dahil natatakam kami sa mga luto niya.

Oo naman at sa katunayan ay pinapadalhan kami ng mga ulam ng aktres kapag hindi siya busy dahil alam niyang hindi kami nagluluto.

Baka Bet Mo: Leandro Baldemor hindi makalimutan ang panty ni Rosanna Roces; nagkatikiman ba?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ang ilang nakita naming niluto niya ay sopas na sagana sa sangkap na pang-meryenda nila, “Meryenda naman Sopas Overload.”

Natakam kami sa pinost niyang hipon na niluto sa olive oil, “Day off ulet kaya nagluto ng Gambas (emojis cayenne pepper).

At sa huling taping day niya bago bumaba ng Maynila ay, “Last day of taping for this cycle. Nakaluto na ng Baon para mamayang Lunch. Thank you lord sa mga Blessings (emojis praying hands).#munggo loaded with liempo tinapa and chicharon #ampalaya and tenderloin tips in oyster sauce.”

Kadalasan daw ay mga taga-production ang nakakatikim ng luto niya at masaya siya kapag nagustuhan ang niluto niya.

Samantala, naaliw kami dahil bago siya matulog sa gabi ay ka-video call niya ang alagang biik na si Lebron.

Ipinost niya ang larawang nasa iisang frame sila, “Dati nawi-weirduhan ako pag me artistang ka-video call mga alaga nilang aso (emojis face with tears of joy). Ngayon ako eto…. ka-video call ko baboy (emoji pig face at laughing face).”

At bago bumaba ng Maynila ay namili muna ng pampasalubong na dried fish at iba pa sa Tuba, Benguet ang aktres.

Sabi nga niya, “pababa na sa mainit na lugar.”

Sa Baguio kasi ay inaabot lang ng 23 temperatura at samantalang dito sa Manila ay 36 at posibleng umabot daw sa 41.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero bago siya umalis ng City of Pines ay nagpa-picture muna siya dahil, “Mandatory Pine tree post pag nasa baguio. Di gaano mainit ngayon. Pag 7pm lumalamig na din.”

Happy set sa “Pamilya Sagrado” dahil sa mga larawang ipinost ni Osang ay masasaya ang cast tulad nina Piolo (siya pa ang kumuha para sa groupie), Aiko Melendez, Kyle Echarri, Grae Fernandez, Rafa Sigueon Reyna, Shaina Magdayao, Joel Torre at marami pang iba.

Habang sinusulat naming ang balitang ito ay wala pang ibinigay na petsa kung kailan ang ere ng “Pamilya Sagrado” sa Kapamilya channel na idinidirek nina Andoy Ranay at Lau Fajardo handog ng Dreamscape Entertainment na huling project na binuo ng namayapang Deo T. Endrinal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending