Ian Veneracion tinawag na 'Buhat King', kakaiba ang fan service

Ian Veneracion tinawag na ‘Buhat King’, kakaiba ang fan service

Therese Arceo |May 10,2024
facebook
share this

Ian Veneracion tinawag na ‘Buhat King’, kakaiba ang fan service

Therese Arceo - May 10, 2024 - 04:14 PM

Ian Veneracion may kakaibang fan service, ikinaloka ng netizens

Ian Veneracion

AGAD na nag-viral sa social media ang video clip ng aktor na si Ian Veneracion kung saan binuhat niya ang isang fan nang mag-perform siya sa isang beauty contest sa Santiago, Isabela.

Hinarana ng aktor ang mga kandidata at mga manonood sa nagdaang Binibining Santiago noong Linggo, May 5, 2024.

Ngunit isang video ang agad na kumalat ay nag-viral sa social media kung saan makikitang bumaba si Ian sa stage habang kumakanta at nakipagkamay sa mga fans.

Habang nakikipagkamay ay isang babae ang umagaw ng kanyang pansin st inaya niya itong umakyat sa stage kasama niya.

Baka Bet Mo: Ian Veneracion sa P500k TF para sa 2 oras na parada: Ang mura na nu’n

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

At nang makapanhik sa stage ay inutusan ni Ian na itaas ng babae ang dalawa niyang kamay at nang sumunod ang babae ay bigla na lang niya itong binuhat at ipinaikot sa ere.

Makikitang na-shookt ang mga nakasaksi sa ginawa ng aktor lalo na ang babaeng binuhat niya.

Agad na naghiyawan at nagpalakpakan ang mga manonood sa ginawa ni Ian.

Hindi na nga kataka-taka na biglang nag-viral ang naturang video ng aktor at umani rin ito ng samu’t saring reaksyon.

“Kung may Dawn Zulueta mo ko challenge at eto gusto Ian Veneracion Mo Ko Challenge yan para amoy ng 90s daddy yarn [laughing in tears emoji],” saad ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “Napaka-random, kala siguro ni girl i-Dawn zulueta siya [ni Ian] naging circus ba naman.”

Matatandaang trending noong ang “I-Dawn Zulueta” challenge matapos mag-viral ang reenactment ng pagbuhat ni Richard Gomez sa kanyang leading lady na si Dawn Zulueta sa pelikulang “Hihintayin Kita sa Langit”.

“Anong trip ni Ian Veneracion at ang hilig niya magbuhat???” hirit pa ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pansin ng mga netizens na baka ito ang paraan ng “fan service” ng aktor dahil hindi lang pala ito ang first time na binuhat niya ang kanyang fan.

May mga iba pang video clips na lumabas kung saan parehas niyang binuhat ng patiwarik ang mga fans niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending