Elha kinampihan si Ian: Deserve namin mabayaran ng tama

Elha kinampihan si Ian sa isyu ng TF: Deserve namin mabayaran ng tama

Ervin Santiago |January 22,2024
facebook
share this

Elha kinampihan si Ian sa isyu ng TF: Deserve namin mabayaran ng tama

Ervin Santiago - January 22, 2024 - 07:00 AM

Elha Nympha kinampihan si Ian sa isyu ng TF: Deserve namin mabayaran ng tama

Ian Veneracion at Elha Nympha

KINAMPIHAN din ng Kapamilya singer na si Elha Nympha si Ian Veneracion kaugnay ng isyu sa napakamahal daw  nitong talent fee.

Naging hot topic ang ang isyung ito sa apat na sulok ng kashowbizan at sa mga umpukan ng Marites sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

ICYMI (in case you missed it), ibinandera kasi ng writer-director na si Ronaldo Carballo sa Facebook ang naging usapan nila ng kampo ni Ian tungkol sa kalahating milyong pisong talent fee nito para sa isang parada.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Hindi ito nagustuhan ng mga nangangalaga sa career ng aktor at nagbanta ngang gagawa sila ng legal na aksyon hinggil dito. Nag-sorry na si Ronaldo kay Ian pero pinanindigan pa rin nito ang ipinost niya sa FB.

Baka Bet Mo: Elha Nympha may pinagdaraanang pagsubok sa kalusugan: ‘Nagpapagamot po ako ngayon, sana po soon makabangon’

Para naman sa “The Voice Kids” season 2 champion na si Elha Nympha, maling-mali ang ginawang pagpo-post ni Ronaldo tungkol sa sinisingil na talent fee ni Ian.

Matapang na pahayag ni Elha sa kanyang FB page, “Nakaka loka yung pinost pa sa FB yung TF ni Ian Veneracion.

“As an artist po, pls kung hindi niyo kami afford or di nag ka sundo sa negotiation i quiet nalang ang mouth kasi hindi po dapat dinidisclose yan in public.

“Also tama lang po na may time limit or may oras po na nakalagay sa clause ng contract kasi yung 2hrs na yan lalo na pag abusado ung organizer or client baka umabot ng 7hrs yung hahaha.

“Possible pang madelay at ma-late yung parade na yan so dapat clear yang oras diyan. Hindi naman po kami binabayaran para sa wala, Ian veneracion is one of the OG’s sa Acting industry.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Kaya hindi mo dapat ma question bakit ganun ang TF niya. Again never disclose private negotiations for publicity purposes,” pagtatanggol pa ng singer kay Ian.

Sa comment section ng kanyang post, sinabi rin ni Elha na, “Tsaka po isipin niyo yung Tf ng isang artist ang binabayaran niyo is yung talent, pagod and oras.

Baka Bet Mo: Elha Nympha nakapagtayo na ng negosyo sa loob ng UP sa edad na 18, pangarap magkaroon ng sariling resto

“Mahal man tf namin ginagawa naman namin best namin and nagpapasaya kami ng tao na dapat lang naman kasi ito po ang service namin, and i think deserve din naman namin mabayaran ng tama,” mariin pang sey ng dalaga.

Samantala, sa isa pa niyang Facebook post, nagbigay pa siya ng halimbawang sitwasyon na pwedeng ikumpara sa nangyari kay Ian.

“Pumunta ako sa apple para bilhin yung iphone 15 pero namahalan ako 90k!!! Kaya sabi ko pwedeng 40k nlang? Sabi ba naman sakin hindi po pwede tumawad dito maam.

“Hays apple ang mahal mahal niyo bibili nalang ako sa quiapo mura pa. Parang ganyan ung vibe hahahaha,” chika ni Elha Nympha.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging tugon ni Ronaldo sa mga naging pahayag ni Elha.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending