Ronaldo Carballo nag-sorry kay Ian Veneracion

Ronaldo Carballo pinanindigan ang TF post, pero nag-sorry kay Ian Veneracion

Pauline del Rosario - January 20, 2024 - 12:06 PM

Ronaldo Carballo pinanindigan ang TF post, pero nag-sorry kay Ian Veneracion

Ronaldo Carballo, Ian Veneracion

“HINDI ako magsusulat nang hindi ko nilinaw ang facts.”

‘Yan ang ibinandera ng writer-director na si Ronaldo Carballo matapos mag-viral ang kanyang Facebook post na isiniwalat ang kalahating milyong talent fee ng batikang aktor na si Ian Veneracion nang maimbitahang pumarada sa Tarlac Festival.

Sa isang recent post, iginiit ni Ronaldo na totoo ang impormasyon na binanggit niya kamakailan lang kaugnay sa naging usapan ng talent coordinator ng Tarlac organizers at road manager ni Ian.

Nilinaw rin niya na ang impormasyon na kanyang ibinunyag sa viral post ay mula mismo sa kumpanya na nagsisilbing talent coordinator ng nasabing event.

“Juiceku! Kung sinu-sino na ang nakisakay at nakisawsaw at the expense of my post,” panimula niya sa FB post.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz sa TF issue ni Ian: Kung ‘di kaya ang presyo, ‘wag kunin

Sey niya, “‘Di mo alam kung mga bobo lang talaga ang mga ito, na nagsasalita nang di naman nabasa ang buong post.

“As per my post, malinaw na talagang walang communications ang Tarlac Festival with Ian Veneracion. Hindi talaga sila ang nakikipag-usap. They hired a ‘private company’ as Talent coordinator, as per this ‘advisory’.”

“‘Wag makisawsaw ng hindi binasa ng buo ang isinulat ko. Hindi ako magsusulat ng hindi ko nilinaw ang facts. Credibility ko as a Journalist na iningatan ko ng 43 years ang nakataya dito,” panawagan pa niya.

Ibinunyag din ni Ronaldo na nag-request ang private company na burahin ang kanyang post about Ian’s talent fee.

Pero hindi niya ito sinunod dahil sinabi sa kanya mismo ng kompanya na totoo ang mga impormasyon na ibinigay sa kanya at binigyan pa siya ng permiso na isulat ito.

“Remember, I asked you, If I can write it? Sabi nyo, okey lang,” saad ng writer-director.

Patuloy niya, “Nagpaalam ako before hand na ipu-post ko. Sana sinabi nyong ‘Wag mo na lang isulat. Off the record na lang.’ Hindi ko sana isinulat.”

Nabanggit niya rin na nagme-message sa kanya ang kampo ni Ian, pero hindi na niya ito pinansin dahil hindi naman daw sila ang kausap niya regarding sa isyu.

“Tarlac Festival & Ian Veneracion’s management are just saving their faces now. Kani-kanya sila ng palusot, against my post. Hindi nila expected na lalabas. At lalong ‘di nila expected na magba-viral,” sambit ni Ronaldo sa FB.

Ani pa niya, “Ang pinanghahawakan ko ay ang katotohanan. Ang totoong pangyayaring ikinuwento sa akin.”

Kasunod niyan, nag-post ulit si Ronaldo na nililinaw naman niya na hindi niya sinisiraan ang batikang aktor.

Inalala pa nga niya ‘yung mga panahon na nagkasama at nagkatrabaho sila noong nagsisimula pa sa showbiz industry si Ian.

“One thing is clear. ‘Di ko siniraan si Ian Veneracion. Mahal ko yun. ‘Joey & Sons’ pa lang ‘nung musmos pa siya ‘nung 80s, tumulong na ko sa mga publicity niya,” kwento ng writer-director.

Sambit pa niya, “Uulitin ko, I have my permission to write & post ang ikinuwento sa akin ng ‘private company’ as Tarlac’s Festival’s talent provider.”

Pagkatapos niyan ay lubos na humingi ng paumanhin si Ronaldo kay Ian dahil nalagay ito sa kontrobersya.

Baka Bet Mo: Xian Gaza sa viral ‘500k TF’ post ng writer-direktor: ‘Ikaw nalang pumarada!’

Mensahe niya, “I am so sorry to Ian. Sincerely, nagsu-sorry ako kung nailagay ko siya in a bad light. Kung nai-exposed ko ang dealings & demands ng kanyang RM na ikina-turn off ng ‘private company’ at ng Tarlac Festival.”

“Sana maunawaan ako ni Ian na since 80’s pa na Entertainment Journalist pa lang ako at ‘di pa ako award-winning Screenwriter & Film Director, naging very much credible naman ako sa lahat nang isinusulat ko, kaya rin tumagal ako ng 43 years na ngayon sa Industriyang ito,” sey ni Ronaldo.

Aniya pa, “Nagsu-sorry ako ng buong puso kay Ian kase nailagay ko sya sa alanganin. Sincerely, I regret that.”

Bagamat nagsisi siya sa naging resulta kay Ian ay hindi naman daw niya babawiin ang kanyang naisulat dahil ito raw ang pinanghahawakan niyang katotohanan base sa mga sinabi sa kanyang ng private company.

“But I will not retract what I have wrote. It’s a true story na ikinuwento sa akin, eh. Credibility ko na as a writer na iningatan ko ng 43 years ang nakataya dito. Wala akong masamang intention,” saad ni Ronaldo.

Kamakailan lang, inihayag ng kampo ni Ian na pinag-aaralan na nilang sampahan ng kaso ang writer-director.

Ayon sa management, malisyoso ang viral post ni Ronaldo at isa itong pagtatangka upang ipahiya ang aktor sa publiko.

Nabanggit din sa statement ang “strict policy of confidentiality and transparency” na talaga namang kailangang sundin pagdating sa business negotiations.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero ayon sa kampo ng aktor, nilabag umano ito ng direktor sa kanyang Facebook post noong January 16 matapos akusahan ang aktor na humihingi ng P500,000 talent fee.

Ibinunyag din ng pumunuan ni Ian na ilang beses na nilang sinubukan ang makipag-ugnayan at makipag-usap kay Ronaldo, ngunit hindi siya ma-reach out sa iba’t-ibang klase ng komunikasyon.

“Attempts were made to contact Mr. Carballo directly to correct the misinformation he is spreading; unfortunately, he opted to block us and refuse any means of communication,” sey ng kampo ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending