Xian Gaza tinalakan ang viral '500k TF' post ng writer-direktor

Xian Gaza sa viral ‘500k TF’ post ng writer-direktor: ‘Ikaw nalang pumarada!’

Pauline del Rosario |January 19,2024
facebook
share this

Xian Gaza sa viral ‘500k TF’ post ng writer-direktor: ‘Ikaw nalang pumarada!’

Pauline del Rosario - January 19, 2024 - 10:32 AM

Xian Gaza sa viral '500k TF' post ng writer-direktor: ‘Ikaw nalang pumarada!'

PHOTO: Facebook/Christian Albert Gaza

TINALAKAN ng self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza ang writer-director na si Ronaldo Carballo kaugnay sa naging viral post nito sa talent fee ng batikang aktor na si Ian Veneracion.

Para sa kanya, mali ang ginawa ng writer-director na isiwalat ang talent fee ng batikang aktor.

“Ronaldo, first of all, hindi mo dapat nilalabas sa publiko ‘yung naging negotiation niyo ng road manager ni Ian Veneracion. Confidential dapat yan. That’s a reflection of your character. Very squammy,” pahayag ni Xian sa isang Facebook post.

Dagdag pa niya, “Pangalawa, paano naging mahal yung 500K for 2 hours ha? Parada yan huy!”

“Magkano ba gusto mo? 100K? Eh ‘di sana artista ng GMA7 ‘yung kinuha mo! Ian Veneracion ‘yan huy! Institusyon na ‘yan sa industriya,” sey pa niya.

Baka Bet Mo: Ian Veneracion ayaw pa ring maghubad at makipag-love scene sa pelikula; ano nga ba ang sikreto sa hindi pagtanda?

Patuloy niya, “‘Yan ang hirap sa inyo eh, mag-i-inquire kayo tapos kapag namahalan kayo eh madi-disappoint kayo at magsasalita ng hindi maganda.”

“Ano pala gusto niyo? Kayo ang masunod sa presyo? Eh ‘di sana ikaw na lang pala ang pumarada, Ronaldo! Nakatipid pa kayo,” ani pa ng self-proclaimed Pambansang marites.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Magugunita na naglabas ng saloobin ang direktor matapos malaman ang talent fee ni Ian nang maimbitahan ito sa Tarlac Festival para sa isang parada.

Ayon daw sa pag-uusapan talent coordinator nila at ng road manager ng aktor, nasa kalahating milyon ang rate for two hours at may dagdag na P100,000 kada oras kapag lumagpas sa binigay na oras.

Reklamo ng writer-director, “OA ang 500k for a parade kahit limang oras pa. Buti kung binabayaran si Ian ng kahit 200k per day taping/shooting magdamag, kung may teleserye sya o may pelikula sya. Hetong 500k na hinihingi nya, kakaway-kaway lang sya sa parada.”

Dahil sa binigay na talent fee, natakot na raw ang production na baka kapag naka-two hours na ay biglang bumaba ang aktor sa float at iwan ang mga tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman napagpasyahan na daw ng kliyente na huwag nang kuhain si Ian, pero binalikan ng road manager ang coordinator at pumayag na sa P500,000 hanggang matapos ang parada.

Pero sa kasamaang palad ay ibang artista na ang kinukuha para sa event at ang gagawing replacement daw ay si Piolo Pascual.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending