Ian Veneracion sa P500k TF para sa 2 oras na parada: Ang mura na nu’n
NAKAUSAP ni Ogie Diaz si Ian Veneracion tungkol sa talent fee nito na P500,000 para sa dalawang oras na motorcade.
Hindi natuloy ang offer sa aktor na kalahating milyong piso para sa gaganaping event sa Tarlac nitong Enero 19, Biyernes dahil namahalan daw.
Naikuwento ng taong nagtanong ang asking price ng road manager ng aktor sa isang manunulat-director at bilang kakilala o kaibigan ay ipinost niya ito sa kanyang social media account not knowing na magba-viral ito.
View this post on Instagram
Base sa kuwento ni Ogie sa YouTube channel nilang “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi at Ate Mrena na in-upload nitong Linggo ng hapon ay nagtataka raw si Ian kung bakit siya bina-bash gayung wala naman siyang ginagawang masama.
Baka Bet Mo: Ian Veneracion ayaw pa ring maghubad at makipag-love scene sa pelikula; ano nga ba ang sikreto sa hindi pagtanda?“Oo, nga pare, eh. Ang mura (talent fee) na nga pero wala naman silang ganu’n budget, okay lang,” sabi raw ni Ian kay Ogie.
At saka binanggit ng aktor kay Ogie na maraming inquiries na natatanggap ang management agency niya.
“At the end of the day ang daming nag-i-inquire sa amin ngayon,” sabi pa ng aktor.
Naikuwento rin ni Ian kay Ogie na meron siyang Valentine show, “Ang dami ring nag-i-inquire ng tickets. Nakaganda pa yata ‘yung sinulat tungkol sa kanya kaya ang dami niyang bookings.”
Kasi nga nabanggit ang talent fee ni Ian na P500,000 ay marami pa rin ang namurahan kaysa sa namahalan dahil sa estado ngayon ng aktor.
Nauna rito, nag-sorry na ang writer at direktor kay Ian pero pinanindigan nito ang ipinost niya sa Facebook.
“One thing is clear. ‘Di ko siniraan si Ian Veneracion. Mahal ko yun. ‘Joey & Sons’ pa lang ‘nung musmos pa siya nung 80s, tumulong na ko sa mga publicity niya.
“Uulitin ko, I have my permission to write & post ang ikinuwento sa akin ng ‘private company’ as Tarlac’s Festival’s talent provider.
Baka Bet Mo: BL series actor Paolo Pangilinan nagsalita na sa isyu nila ni Juan Miguel Severo
“I am so sorry to Ian. Sincerely, nagsu-sorry ako kung nailagay ko siya in a bad light. Kung nai-exposed ko ang dealings & demands ng kanyang RM na ikina-turn off ng ‘private company’ at ng Tarlac Festival.
View this post on Instagram
“Sana maunawaan ako ni Ian na since 80’s pa na Entertainment Journalist pa lang ako at ‘di pa ako award-winning Screenwriter & Film Director, naging very much credible naman ako sa lahat nang isinusulat ko, kaya rin tumagal ako ng 43 years na ngayon sa Industriyang ito,” aniya.
“Nagsu-sorry ako ng buong puso kay Ian kase nailagay ko sya sa alanganin. Sincerely, I regret that,” dugtong ng direktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.