Gigi emosyonal, ina nasa ICU: She’s fighting for her life now

Gigi emosyonal sa world tour, ina nasa ICU: She’s fighting for her life now

Pauline del Rosario |May 10,2024
facebook
share this

Gigi emosyonal sa world tour, ina nasa ICU: She’s fighting for her life now

Pauline del Rosario - May 10, 2024 - 12:12 PM

Gigi emosyonal sa world tour, ina nasa ICU: She’s fighting for her life now

PHOTO: Facebook/Gigi De Lana

MAY mabigat na pinagdadaanan ang singer na si Gigi De Lana, lalo na’t malayo siya ngayon sa kanyang ina na si Gng. Imelda.

Kasalukuyang nasa Canada kasi si Gigi para sa kanyang “Gigi Vibes” world tour na nakatakdang matapos ng May 18.

Sa Facebook, ibinandera ng singer ang isang video na makikitang nasa kalagitnaan siya ng concert nang bigla siyang mag-update patungkol sa kanyang ina.

Ang nakakagulat niyang balita, naka-confine daw ngayon sa Intensive Care Unit (ICU) ang kanyang mommy.

“My mom is at the ICU now. If you have seen my stories, meron dun prayer if you wanna pray for my mom,” panimula niya.

Baka Bet Mo: Gigi De Lana sinisi ang sarili sa pagkakasakit ng ina: Kasi baka ako ‘yung reason

Sey pa niya, “She’s fighting for her life now and I don’t know if pag-uwi ko andun pa siya. But I really wish she will be there.”

Mensahe niya sa kanyang fans, “You know, hindi niyo alam kung kailan mawawala ang taong mahalaga sayo, so spend the time sa kanila and love with all your heart. There’s nothing wrong with it.”

“Just love, para hindi ka rin mag-regret,” wika pa niya dahil sa ngayon daw ay pinagsisisihan niya ‘yung mga bagay na hindi niya inilaan para sa kanyang ina.

“Please love your family kasi sila lang ‘yung nandyan para sa inyo. Trust me, they love you with all their heart. Mahal na mahal kayo ng parents niyo,” ani pa ni Gigi.

Sa comment section, maraming netizens ang nagpaabot ng suporta sa singer at dasal naman para sa kanyang mahal na ina.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Yes and the reason why you are still away from her is because gusto mo pang dugtungan ang buhay niya para patuloy ang paggamot sa hospital [folded hands, red heart emojis].”

“Get well soon to your mother idol Gigi”

“I miss my mom too.. prayer for your mom[red heart emoji].”

“I just wanted you to know that your Mom is very proud of you, this life or in another life, she is very grateful and the proudest. Praying for your Mom. Gigi De Lana be strong.”

Kung matatandaan, taong 2022 nang unang mag-open up si Gigi sa isang panayam ng tungkol sa pagkakaroon ng breast cancer ng kanyang ina.

January last year naman nang muling nagkwento ang singer sa pagkakasakit ng ina matapos umani ng iba’t-ibang reaksyon ang pagpapagupit niya ng very short hair.

Rebelasyon ni Gigi, ginawa niya ito para sa nanay niyang nakikipaglaban ngayon sa cancer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang daming hindi nakakaalam nito. Mommy ko po may stage 4 breast cancer, maiksi po ang hair niya. So gusto ko po kapag makikita ko siya parehas kami halos ng iksi ng hair,” pagbabahagi ni Gigi.

Ani ng singer, “Pero ito po, hindi ko po kaya ‘yung semi kalbo o kaya parang boy cut talaga. So ayun po. Para hindi na po kayo magtanong at magsabi sa akin bakit ka nagpagupit. Ayan alam niyo na.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending