Boy araw-araw ipinagdarasal si Kris; palaging kausap si Bimby
ARAW-ARAW ipinagdarasal ng King of Talk na si Boy Abunda ang kanyang kaibigan na si Kris Aquino pati ang dalawang anak nito.
Tinanong namin at ng ilang piling miyembro ng entertainment media si Tito Boy kung kumusta na ang premyadong TV host-actress after ng interview niya rito ilang buwan na ang nakararaan.
Nangyari ito sa kanyang intimate presscon para sa bago niyang programa sa GMA 7, ang limited docu-series na “My Mother, My Story” na magsisimula na sa darating na Linggo, May 12.
Ayon kay Tito Boy, tuluy-tuloy pa rin naman ang communication nila ng nanay nina Joshua at Bimby pagkatapos ng interview niya rito sa “Fast Talk With Boy Abunda.”
“Nagkakausap but very careful. Because remember ang huli naming pag-uusap, she was going to go through a six-month…parang isolation so nangangapa ako.
View this post on Instagram
“Pero nagme-message ako. Nagte-text ako kay Bimb, nagte-text ako kay Alvin (assistant ni Kris) once in a while, nangungumusta,” pahayag ng Kapuso TV host.
“But I really every night, I pray for her. I pray for her health. I pray for Kris,” sabi pa ni Tito Boy.
Nang kumustahin naman sa kanya ang panganay ni Kris na si Joshua na nasa Pilipinas na ngayon, “Hindi ko alam, hindi ko talaga alam.
“Ang ka-contact ko si Bimb, who would greet me once in a while kung anuman ang… St. Patrick’s Day, ‘yung mga Thanksgiving whatever, New Year, Christmas, Valentine,” pahayag pa niya.
Baka Bet Mo: Vic, Pauleen laging ipinagdarasal na makabuo pa ng 1 baby; Xian, Vin, Madam Inutz eeksena sa b-day show ni Genesis
Samantala, bukod nga sa daily talk show niyang “Fast Talk with Boy Abunda” ay mapapanood din siya bilang host ng “My Mother, My Story” tuwing ikalawang Linggo ng buwan simula sa Sunday hanggang October, 2024.
Sa unang episode, tampok si Luis Manzano kasama ang inang si Star for All Seasons Vilma Santos.
View this post on Instagram
“It’s very personal to me the emotional and revealing conversations with celebrities tungkol sa kanilang mga relasyon sa kanilang ina,” paglalarawan ni Tito Boy sa bago niyang programa.
“Ibabahagi nila kung paano sila pinalaki ng kanilang magulang, paano itinaguyod, paano nasaktan, paano naging masaya sa buhay, paanong tinuruan magmahal at paanong hindi natuto magmahal.
“Pag-uusapan namin lahat ng mahahalagang karanasan na humubog sa kanilang pagkatao,” aniya pa na aminadong miss na miss ang kanyang yumaong inang si Nanay Lesing na pumanaw noong 2019 sa edad na 90.
“This is about us and our mothers. Makaka-relate tayo dahil lahat tayo ay anak. Proud kami sa proyektong ito. I had this concept a long time ago and we’re putting this together para sa inyong lahat,” sabi pa niya.
Ayon pa kay Tito Boy, lumakas ang loob niya at nagkaroon ng self-confidence dahil sa ina, “Hanggang ngayon ang lakas ng loob ko dahil sa nanay ko.
“Nu’ng bata ako, tuwing sasali ako sa mga amateur singing or declamation contest, sinasabi ng nanay bago pa magsimula na’you are my winner.’ Paano naman ako matatalo eh, para sa nanay ko ako ang panalo,” pagmamalaki pa ni Tito Boy sa kanyang nanay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.