Claudine hindi muna magjojowa: Until ma-annul ang kasal namin ni Raymart
WALA pa ring dyowa hanggang ngayon si Claudine Barretto. Mula nang maghiwalay sila ni Raymart Santiago ay never pa siyang nakipagrelasyon uli.
May mga lalaking nagpaparamdam naman daw sa kanya pero hindi raw talaga ito ang priority niya ngayon sa buhay kaya nananatili siyang single.
Ayon kay Claudine, nagdesisyon siya na hindi muna papasok sa isang relasyon hangga’t hindi pa annulled ang kasal nila ni Raymart.
Baka Bet Mo: True ba, Claudine ilang beses daw nagtangkang makipagbalikan kay Raymart?
“Wala pa ring laman ang puso ko kundi mga anak ko. Sa ilang years kong hiwalay, kasal pa rin ako.
“Ayokong makita ng mga anak ko na may ibang lalaki na umaaligid or magkaroon ako ng ibang relasyon until matapos ang annulment namin ni Raymart,” ang pahayag ni Clau nang nakachikahan ng BANDERA last Monday sa presscon ng bago niyang movie na “Sinag”.
Aniya pa, “Hindi ako nag-a-accept ng suitors ngayon although may mga tsismis pero wala namang proof na meron. Sarado ang puso ko ngayon hanggang ma-annulled.”
View this post on Instagram
Ngunit kahit daw naghiwalay na sila ni Raymart, mahal na mahal pa rin ng kanyang mga anak ang kanilang ama.
Baka Bet Mo: Claudine Barretto may rebelasyon ukol kay Raymart Santiago: He started being not a good father again
“Kung anuman ang problem namin ni Raymart, sa amin na lang yun. As they grow old, alam na nila kung ano ang nangyayari.
“I explain them that there are things I have to fight for and this is para sa inyo. Hanggang doon lang ang explanation ko. Yung mga details wala na,” sey ng aktres.
Ikinasak sina Claudine at Raymart noong March 27, 2006 at naghiwalay nga pagsapit ng 2015. Ang anak nilang si Santino ay 16 years old na ngayon. Bukod dito, may tatlong adopted si Claudine, Sabina, Quiah at Noah.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.