Ogie sa pag-like ni Liza sa demanda ni Bea: Karapatan niya 'yun

Ogie sa pagsuporta ni Liza sa demanda ni Bea: Karapatan niya ‘yun!

Reggee Bonoan |May 08,2024
facebook
share this

Ogie sa pagsuporta ni Liza sa demanda ni Bea: Karapatan niya ‘yun!

Reggee Bonoan - May 08, 2024 - 07:55 AM

Ogie sa pagsuporta ni Liza sa demanda ni Bea: Karapatan niya 'yun!

Bea Alonzo, Ogie Diaz at Liza Soberano

MARAMI palang nagpadala ng screenshot kay Ogie Diaz na ni-like at ni-repost ni Liza Soberano ang demanda ni Bea Alonzo sa kanya kasama si Nanay Cristy Fermin.

Sa una ay ayaw sagutin ni Ogie ang isyu na sangkot ang dating anak-anakang si Liza dahil hanggang sa huling sandali ay gusto niyang alagaan ang pangalan nito.

Pero napilit siya ni Mama Loi at kailangan niya itong sagutin.

“Okay nakita ko nga ‘yun marami ring nag-send sa ‘kin ng screenshots ng pag-repost ni Liza Soberano, sa akin walang problema ‘yun!” kaswal na sabi ni Ogie.

Baka Bet Mo: Liza sasabak na sa pagiging recording artist sa 2023; tutuparin din ang pangarap maging ‘global actress’

Dagdag pa niya, “Okay lang, karapatan niya ‘yun, eh. Twitter account niya ‘yun eh, or X account niya ‘yun, okay lang karapatan niya ‘yun.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sa akin lang kung makakatulong sa career ni Liza ‘yung pagre-repost niya, e, di i-repost niya nang i-repost. I will let her repost ut again and again walang kaso sa akin yun,” sabi pa ni Ogie.

Sa tanong kung galit ang dating manager sa aktres, “Hindi ah!”

Ni-repost din ng daddy John Soberano ni Liza ang demanda at may nakalagay pang “Yes!”

“Hindi ko na pinapansin ‘yun. Ganyan na siya sa akin eversince hayaan mo na siya,” kaswal na sabi ni Ogie.

Baka Bet Mo: Ellen sa ni-repost na ‘gender pronouns’ comment: Baka ma-open letter na naman tayo

Paliwanag ni Mama Loi na kapag ni-repost ito ay ibig sabihin sinu-support ito ng taong nag-repost kaya ang tanong kay Ogie ay kung naniniwala siyang suportado ni Liza si Bea kaya niya ito ni-repost?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“E, kayo na ang sumagot comment down below. Kahit dito kapag may maling comment about Liza, kinokorek namin.

“As far as kung gaano ko kakilala si Liza ‘yun ang puwede kong ikuwento pagkatapos nu’ng sa akin hindi ko na alam kung ano ‘yung attitude niya o behaviour niya nu’ng wala na sa akin kaya diskarte na niya ‘yun sa buhay niya,” katwiran ni Ogie.

May pagtatampo ba si Ogie kay Liza? Ito naman ang tanong ni Dyosa Pockoh.

“Nu’ng ni-repost niya (sabay iling). Ang tanda-tanda ko na rito (showbiz) kung magtatampo pa baa ko sa ganyan, parang baguhan lang ako?

“Basta alam ni Liza kung ano ang truth sa amin. Kapag may maling nasabi si Liza, kinu-correct ko lang doon lang ako nagko-concentrate sa mali hindi na ako nagpapaka-dig deeper pa. Doon lang ako magpo-focus pag mali.

“Hindi naman ako nagtatampo. Hindi ko alam kung siya nagtatampo sa ’kin or galit whatever. Kasi naghiwalay kami nang maayos.

“Basta ako sa totoo lang anuman ang tahakin ni Liza ay pinagdarasal ko na sana ‘yung kanyang mga pangarap sa buhay, ‘yung kanyang goals ngayon na sumikat (at) makilala sa Hollywood sana matupad niya,” pahayag ng dating manager ni Liza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, labis na nagpapasalamat si Ogie sa lahat ng nagpapadala ng comforting words sa kanya, pinupuntahan siya at niyayakap ng walang sinasabi at ‘yung mga nangungumusta lagi sa kanya dahil dito raw nila nakilala ang mga tunay nilang kaibigan in times like this.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending