Ogie hindi galit kay Bea kahit nagdemanda: Karapatan niya yun

Ogie ‘di galit kay Bea, hirit sa bashers: Halos idukdok n’yo kami putikan

Ervin Santiago - May 07, 2024 - 09:11 AM

Ogie 'di galit kay Bea, hirit sa bashers: Halos idukdok n'yo kami putikan

Bea Alonzo at Ogie Diaz

WALANG galit na nararamdaman ang talent manager at content creator na si Ogie Diaz kay Bea Alonzo matapos siyang idemanda nito ng cyber libel.

Naiintindihan daw ni Papa O ang naging desisyon ni Bea sa pagsasampa ng naturang kaso na nag-ugat sa mga naging pahayag nito tungkol sa personal na buhay ng dalaga.

Bukod sa kanya, sinampahan din ng Kapuso actress ng cyber libel ang mga co-host ni Ogie sa kanilang online show na sina Mama Loi at Dyosa Pockoh.

Baka Bet Mo: Catriona kinampihan ng korte vs tabloid na naglabas ng pekeng nude photo

Sa kanyang YouTube channel, nagbigay muli ng pahayag si Ogie tungkol kay Bea at dito nga niya nabanggit na hindi siya galit sa aktres at never sumagi sa isip niya ang magtanim ng sama ng loob.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Aniya, karapatan ng isang tao na magdemanda, “Sa totoo lang ay hindi pa po namin nakukuha yung kopya (ng demanda).

“Ayun naman po ay hihintayin namin at siyempre wala naman kaming choice kundi idepensa ang aming panig at kumuha rin ng abogado para maipagtanggol ang aming sarili.

“Pero ito, ha, sa totoo lang, buksan niyo man ang puso ko, hindi po ako galit kay Bea Alonzo. Kasi ako, naniniwala ako, karapatan niya yan.

“Kung feeling niya, e, nasaktan natin siya, karapatan niya yon. In the same way na siyempre kailangan din naming idepensa yung aming sarili at ipaglaban kung ano yung para sa amin,” pahayag ni Papa O.

Patuloy pa niya, “Ewan ko, pero wala akong naramdamang galit or hate. Kasi hindi naman ho iyan ngayon lang nangyayari, yung ganyan sa amin, lalo na sa aming propesyon.”

Sabi pa ni Papa O, medyo sanay na raw kasi siya sa mga kasong libel, “Noong araw na wala pang vlogs-vlogs, dyusko no, kahit ako reporter noong araw, nakakatikim pa rin naman ako ng mga reklamo, demanda, yang libel, pero napagtatagumpayan naman natin.

“Basta ang important dito, e, kilala niyo kami. Ayaw na naming magbuhat ng bangko at isa-isahin yung mga nagagawa naming kabutihan at kabayanihan para sa mga artista. Lalo na yung mga nagpo-promote dito,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Claudine Bautista-Lim nagsalita matapos kumalat ang cyber libel case laban kay Enchong Dee

Ipinapaliwanag din niya ang mga ganitong sitwasyon sa pamilya, lalo na sa kanyang mga anak. Bahagi raw talaga ito ng kanyang trabaho.

“Kahit yung mga anak ko, yung mga kaklase nila sinasabihan silang, ‘Uy, yung daddy mo dinemanda, ganyan-ganyan.’

“Isa lang sinasabi ko sa mga anak ko, ‘Bahagi lang yan ng trabaho ng daddy.’ Kapag nagsulat ka o nag-vlog ka, ayan yung mga puwedeng dumating sa buhay ng daddy niyo.

“Ang importante, sabihin niyo na lang sa kanila, ‘Daddy cannot please everybody.’

“Buti nga ganyan-ganyan lang ang dumarating sa atin. Hindi yung dinedemanda tayo kasi hindi tayo nagbayad ng utang. Dinemanda tayo kasi nanloko tayo. Dinemanda tayo kasi nagbenta tayo ng illegal drugs.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Dinemanda tayo kasi nagnakaw tayo, walang mga ganyan. Kaya ayan na lang po ang ipinagpapasalamat namin. Kaakibat lang ng aming trabaho yung dumating na pagsubok,” katwiran ni Ogie.

Pagpapatuloy pa niya, “Yung ibang bashers namin na halos isumpa kami, naalala ko noon na sinabi natin dito na split na yung KathNiel, nag-trending pa yung #FakeNewsPeddlerOgieDiaz.

“Tapos yung umamin yung dalawa, nagkaroon ng statement na totoong split na sila, biglang, ‘Si Ogie Diaz lang ang sakalam, kay Ogie Diaz lang kami maniniwala, patron ng hiwalayan,’ mga ganyan, bumibilib sila.

“Tapos ngayong nademanda, pak, nasan na kayo, di ba mga Marites kayo? Ngayon, halos idukduk niyo na ang mga mukha namin sa putikan.

“Pero normal lang yan. Ang lagi nga naming sinasabi dito, na kapag wala na kaming bashers, e, hindi na kami relevant. Basta tuloy lang ang aming pagdepensa sa aming case.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Basta patuloy lang po kaming maghahatid sa inyo ng saya, ganon na lang, di ba?” pahayag pa ni Ogie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending