Wendy Valdez naloka sa mga taong walang pake sa PWD

Wendy Valdez naloka sa mga walang pake sa PWD pag sasakay ng elevator

Ervin Santiago - May 08, 2024 - 07:58 AM

Wendy Valdez naloka sa mga walang pake sa PWD pag sasakay ng elevator

Wendy Valdez kasama ang 2 anak

BAD TRIP ang dating aktres na si Wendy Valdez dahil sa isyu ng mga Persons With Disabilities (PWDs) kapag nasa public place, kabilang na ang shopping malls.

Masamang-masama ang loob ng former Pinoy Big Brother Season 2 housemate nang magpunta sila sa isang mall kamakailan kasama ang kanyang mga anak.

Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Wendy ang hindi kagandahang experience niya sa pagsakay sa elevator ng pinuntahan nilang shopping mall kung saan kinuwestiyon niya ang mga hindi PWD-friendly na lugar sa Pilipinas.

Baka Bet Mo: Karla Estrada kinastigo ang nanglait sa isang PWD, netizens umalma: Wag kang magmalinis!

Kuwento ni Wendy, may mga tao talagang hindi marunong magbigay ng courtesy at sumunod sa tamang protocol kapag sasakay ng elevator.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wendy Valdez Garcia (@_wendyvaldez_)


Kasama kasi niya ang kanyang panganay na si Seth, na na-diagnose ng spina bifida, isang klase ng spinal defect, na naka-wheelchair habang ang 1-year-old niyang bunso na si Judah ay nakasakay sa stroller.

“Yung malalaki ang katawan, at kumpleto ang mga paa, pero hindi makapag-pasakay ng PWD, o babies na nakastroller sa ELEVATOR…

“Kasi TAMAD NA TAMAD SILANG GAMITIN ANG MGA PAA at malalapad nilang binti kasi baka mabawasan daw sila ng fats,” ang simulang paglalabas ng saloobin ni Wendy.

Aniya pa, “Kaya kayo may elevator staff, to inform na ang elevators ay para sa SENIORS, PWD’S, BABIES, GROCERY CARTS, PREGNANTS.

Baka Bet Mo: Matet de Leon isa nang PWD, nakaranas ng ‘pagtataboy’ sa priority lane: ‘Hiyang hiya ako, pati sa sarili ko’

“HINDI PARA I-ENABLE ANG MGA INCONSIDERATE AND SELFISH CITIZENS. TINATAMAD MAG-ESCALATOR OR STAIRS NA ABLED BODIES.

“SIRA PA ESCALATOR, SO adjust kami buhatin nalang ang kids and wheelchairs.

“NAKAKAHIYA KASI SA MGA MALALAKAS NA TAO NA WALANG CONSIDERATION.Yung mga taong, hindi na nga nakakatulong sa lipunan, nakaka-bigat pa,” ang mariin pang sabi nito.

Dagdag pa niyang aria, “OUR COUNTRY IS SO PWD UNFRIENDLY. Haay… kaya mga PWD satin di nalang pinalalabas eh.”

Hirit pa niya, “SA MGA TAONG MALALAKI NAMAN ANG BINTI. ILAKAD NYO YAN.

“SAYANG AT BINIGYAN KAYO NG LEGS. AYAW NYO GAMITIN.

“Kung ayaw nyo maglakad, higa nalang kayo sa bahay. Burn nyo mga taba nyo wag nyo ipunin,” sey pa ni Wendy.

Sa huli may nanawagan din ang dating beauty queen sa lahat, “Kung binigyan ka ng panginoon ng kumpletong paa’t kamay, maayos na pag-iisip at pangangatawan. Sana magamit mo ng tama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wendy Valdez Garcia (@_wendyvaldez_)


“Sa tuwing ipapaubaya mo ang upuan mo o ang elavator sa mga taong mas mahina sayo, napakalaking tulong na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ano na nga ba ang tinuturo natin sa kabataang Pilipino? Sana hindi lang puro pagsasayaw at pabida sa titkok, o self love, kungdi Love others, as much as you love yourself,” sabi ni Wendy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending