Xian kay Kim: Pwede mo nang aminin na may girlfriend na 'ko

Hirit daw ni Xian kay Kim: Pwede mo nang aminin na may girlfriend na ‘ko

Ervin Santiago |May 07,2024
facebook
share this

Hirit daw ni Xian kay Kim: Pwede mo nang aminin na may girlfriend na ‘ko

Ervin Santiago - May 07, 2024 - 01:00 AM

Hirit daw ni Xian kay Kim: Pwede mo nang aminin na may girlfriend na 'ko

Xian Lim, Kim Chiu at Iris Lee

MARAMING naloka sa pasabog ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz tungkol sa dating magdyowang Kim Chiu at Xian Lim.

Sa latest vlog ni Papa O, naikuwento niya ang umano’y conversation nina Kim at Xian tungkol sa kanilang breakup at sa bagong dyowa ng aktor na si Iris Lee.

Ayon kay Ogie, “Oh ’yun nga, may nakarating sa akin. So hindi na ’to yung latest o ’yung last week lang, hindi.

Baka Bet Mo: Netizens naloka sa ‘vaccine hugot’ ni Nikko; Jinkee super Inglisera sa socmed

“Eto ’yung panahon na lumalabas na si Iris Lee sa socmed saka si Xian Lim, na parang sa mga pictures pa lang nila together, eh, kahit hindi sila umamin, parang talagang sila na, si Iris Lee at si Xian Lim,” ang pagbabahagi ni Ogie sa kanyang YouTube vlog.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KimXi Forever ❤️ (@kimxiforeversgph)


“Eto na nga. Since parang nag-ano naman din, parang nagkaroon naman ng formal break-up itong si Kim Chiu at si Xian Lim, eto na.

“Nakarating lang naman sa akin ’to, ha? Pwede naman nila itong i-deny. Malaya silang i-deny ’to kung hindi talaga ito nangyari.

“Tumawag daw itong si Xian Lim kay Kim Chiu. Nakarating lang sa akin ’to, ha! Sabi niya, ‘Kim, oh, pwede mo nang aminin ha, na meron na akong girlfriend.’

“Naloka si Kim Chiu. ‘Ako mag-a-announce na may girlfriend na yung ex ko?’” ang chika ni Ogie.

Baka Bet Mo: Zeinab Harake, Derek Ramsay nagpaka-wild, nagkagatan ng labi

“’Di ba? Kaya sari-sari tuloy ’yung mga ano nila, ’yung opinyon nila tungkol du’n sa nangyari.

“At kung totoo man ’yon, ’di ba, ang mga opinyon nila, ‘Ha? Talagang si Kim Chiu ang pinag-a-announce mo na may bago ka nang girlfriend, Xian Lim?’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alexander Xian Lim Uy (@xianlimm)


“Tapos meron pang ano na, ‘Okay ka lang? Parang iniinsulto mo si Kim Chiu.’ Pero, ’yan lang nama’y nakakarating sa atin.

“Ngayon, itatanong natin kay Xian Lim, maging kay Kim Chiu, totoo bang may nangyaring ganitong scenario over the phone?” ang sey pa ni Papa O.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kayo dear BANDERA readers, agree ba kayo sa ginawa ni Xian kung totoo nga ang eksenang ito?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending