Kristoffer sa pang-iiwan sa mag-ina: Sobrang k*pal nu'n!

Kristoffer sa pang-iiwan sa mag-ina: Sobrang k*pal nu’ng ginawa ko ‘yun

Ervin Santiago |May 06,2024
facebook
share this

Kristoffer sa pang-iiwan sa mag-ina: Sobrang k*pal nu’ng ginawa ko ‘yun

Ervin Santiago - May 06, 2024 - 06:00 AM

Kristoffer sa pang-iiwan sa mag-ina: Sobrang k*pal nu'ng ginawa ko 'yun

AC Banzon, Pré at Kristoffer Martin

MALUHA-LUHA ang Kapuso actor-singer na si Kristoffer Martin habang nagkukuwento tungkol sa kanyang mag-ina na sina AC Banzon at Pré.

Lalo na nang mapag-usapan ang ginawa niyang pang-iiwan sa kanyang partner at anak noong panahong magulong-magulo ang kanyang utak at disposisyon sa buhay.

Umamin ang “Makiling” actor sa naging pagkakamali niya noon kina AC at Pré sa panayam sa kanya ng “Fast Talk with Boy Abunda” kung ano ang isang pagkakamali na nagawa nila na hindi nila mapapatawad.

Sagot ni Kristoffer, “Siguro, Tito Boy, ‘yung naiwan ko po ‘yung mag-ina ko. May certain na nangyari sa buhay po namin na umalis ako, ilang months din po ‘yun, tapos nakita ko ‘yun naiwan talaga sila.”

Baka Bet Mo: Kristoffer Martin gusto uling makatrabaho si Kathryn: Baka naman!?

Dagdag pa ni Kristoffer, “Napagkwentuhan na namin siya, kami ni AC nu’ng naging okay na kami kung paano sila, na lagi daw akong hinahanap ni Pré no’ng mga panahon na ‘yun, na naghahanap ng tatay, ‘yung parang regrets mo, na sana hindi ko na nagawa, sana hindi na lang.”

Pagpapatuloy pa ng aktor at proud tatay, “Pero, parang sabi ko nga, may mga darating sa buhay mo na i-a-allow ni Lord e, kahit gaano man kasakit, kahit ‘di mo siya maintindihan. Pero kasi laging may result ‘yun ng magandang kalalabasan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristoffer Martin (@kristoffermartin_)


“Kasi, Tito Boy, nu’ng nag-usap kami ni AC na kung hindi nangyari ‘yung bagay na ‘yun, baka ganu’n pa rin kami. Kasi, before mangyari ‘yung situation na ‘yun, lagi kaming away nang away.

“Engaged na po kami noon, tapos nung nagkakausap na kami, sinasabi niya, kinausap niya ako, na, ‘Alam mo kung hindi nangyari ‘yun, baka hindi ko rin gustong magpakasal sa ‘yo.’

“Kasi, Tito Boy, lagi po kaming nag-aaway. Engaged na po kami, may anak na po kami nu’n,” ayon pa kay Kristoffer.

Ang isa pa sa ipinagpapasalamat ng mag-asawa ay naging malapit sila kay Lord after what happened at mas naging solid pa raw ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

“Tapos napalapit po kami kay Lord na parang, ‘Ah, ito ‘yung ano, ito ‘yung parang challenge sa amin ni Lord.’ Kumbaga mas minahal po namin ‘yung isa’t isa, lalo na ‘yung pamilya namin dahil po sa nangyari,” sabi pa ng aktor.

Ngunit paglilinaw niya, “Tito Boy, hindi ako proud ah, kasi kung iisipin ko, parang kupal eh, sobrang kupal nu’ng time na mga ginawa ko ‘yun, ‘yung mga oras na ‘yon, na nagpadala ako Tito Boy.

Baka Bet Mo: Kristoffer Martin aminadong naging ‘crush’ si Kathryn Bernardo

“Parang ito ‘yung gusto ko, wala akong ibang sisisihin kundi sarili ko, kasi ako po ‘yun eh, ako ‘yung nagdala sa sarili ko sa sitwasyon na ‘yun eh.

“Kumbaga, ‘yung nangyari na ‘yun, hindi ako magdadawit ng ibang tao na parang hilahin, hindi, ako po lahat ‘yon. Kumbaga lahat ng fault na ‘yon, sa akin po.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nasaktan ko ‘yung pamilya ko nang dahil sa akin, umalis ako sa pamilya ko nang dahil sa akin. Walang ibang sisisihin doon sa nangyari sa amin kundi ako lang po,” ang pahayag pa ni Kristoffer Martin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending