Kapuso stars pinainit ang Sinulog Festival

Kapuso stars pinainit ang Sinulog Festival; bardagulan sa ‘Makiling’ pak na pak

Ervin Santiago |January 25,2024
facebook
share this

Kapuso stars pinainit ang Sinulog Festival; bardagulan sa ‘Makiling’ pak na pak

Ervin Santiago - January 25, 2024 - 06:50 AM

Kapuso stars pinainit ang Sinulog Festival; bardagulan sa 'Makiling' pak na pak

Jennylyn Mercado, Gabby Concepcion at Max Collins

MAINIT ang naging pagtanggap ng mga Cebuano sa paborito nilang Kapuso stars na naki-join sa makulay na selebrasyon ng Sinulog Festival sa Cebu City last weekend.

Tilian ang lahat ng fans nang lumabas sa stage sina Kapuso stars Jennylyn Mercado ng “Love. Die. Repeat.” at sina Gabby Concepcion at Max Collins ng upcoming show na “My Guardian Alien” para ipakita ang inihanda nilang performances noong Biyernes, January 19.

Bakas sa mga mukha ng marami na para bang dream come true na nakaharap at nakasalamuha nila ang paborito nilang artista sa Kapuso Fiesta na ginanap sa The Terraces, Ayala Center Cebu.

Baka Bet Mo: Hirit ni Chito kay Kiko: Ako po talaga ang paborito niyang pamangkin, bago dumating si Donny…

Binalot naman ng kilig ang Ayala Central Bloc dahil sa nakakikilig at very engaging na song and dance numbers ng “Makiling ” stars na sina Teejay Marquez, Royce Cabrera, Myrtle Sarrosa, at Kristoffer Martin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)


Sa halip na kainisan dahil sa mga karakter nila sa serye bilang bahagi ng Crazy 5, kinumpleto pa ng “Makiling” stars ang araw ng mga fans noong January 20.

Hindi pa nagtatapos diyan ang naging regalo ng GMA sa mga Kapusong Cebuano this Sinulog Festival dahil present din para maki-Pit Senyor noong January 21 sa SM City Cebu sina Ken Chan at Kazel Kinouchi ng “Abot-Kamay na Pangarap”, Kate Valdez ng “Shining Inheritance,” at Joaquin Domagoso ng “Lilet Matias: Attorney-at-Law.”

Bongga talaga ang lineup ng GMA Regional TV kahit umpisa pa lang ng taon! Kaya naman, siguradong marami pang dapat antabayanan ang mga Kapuso natin mula sa iba’t ibang regions sa bansa.

* * *

Patok sa viewers ang latest GMA Afternoon Prime series na “Makiling” na pinagbibidahan nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.

Baka Bet Mo: Derrick, Elle may sariling paraan ng paghihiganti kapag niloko at inapi

Gigil na gigil na rin ang viewers sa mga pang-aapi nina Kristoffer Martin, Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, Teejay Marquez, at Claire Castro o ang Crazy 5 sa serye.

Patunay dito ang pataas nang pataas na ratings ng nasabing revenge drama. Pero tila nagsisimula pa lang ang mga maiinit na eksena.

Tuloy ang pagle-level up ng pambu-bully kay Amira (Elle) ng Crazy 5. Pati si Alex (Derrick), magiging target ng power trip ni Seb (Kristoffer).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elle Villanueva (@_ellevillanueva)


Kung ang kapatid ni Amira na si Rose (Thea Tolentino), mukhang natuto nang makisabay sa mga taga-Maynila, sila Amira at Alex, parang lalamunin ng buhay ng lungsod.

Pero para sa tatay na may sakit at para rin mapag-aralan ang misteryosong halamang Mutya, laban lang ang ating bidang si Amira.

Excited na nga ang viewers sa mas matitindi pang bardagulan sa pagitan ni Amira at Portia (Myrtle).

Isama pa diyan ang away ng magkapatid na si Amira at Rose. Di rin pahuhuli ang tapatan nina Alex at Seb, ha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ang “Makiling” sa GMA Afternoon Prime, tuwing 4 p.m..

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending