Boy, Alan, Pia inisa-isa ang mga natutunan mula sa kanilang ina

Boy, Alan, Pia inisa-isa ang mga natutunang aral mula sa kanilang ina

Ervin Santiago |May 16,2024
facebook
share this

Boy, Alan, Pia inisa-isa ang mga natutunang aral mula sa kanilang ina

Ervin Santiago - May 16, 2024 - 08:28 AM

Boy, Alan, Pia inisa-isa ang mga natutunang aral mula sa kanilang ina

Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano at Boy Abunda

SA Mother’s Day episode ng “CIA with BA” nitong May 12, inalala nina Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano at Boy Abunda ang mahahalagang aral na natutunan nila mula sa kanilang mga ina.

“Alam n’yo po, katulad ng pagmamahal ng Diyos Ama, walang hangganan ang pagmamahal ng isang nanay,” sabi ni Sen. Alan na pinahahalagahan ang malalim na pagmamahal ng kanyang ina na si Sandra Schramm.

“If we think alam natin ang hirap na dinadanas ng isang nanay, nagkakamali po tayo,” dagdag niya.

Baka Bet Mo: Jak Roberto pinanindigan ang pagiging ‘prof’, ilang Kapuso stars nag-enroll sa ‘anti-selos’ program

Nang alalahanin ni Sen. Pia ang kanyang panahon bilang nag-iisang anak, “Siguro ‘yung pinakamahalagang aral galing sa aking nanay, kasi nag-iisa akong anak nang halos limang taon at ang aking mommy ay isang working mom.

“Tila ang aking mommy ay naging isang napakagaling na nanay, talagang palaging nandoon sa aking buhay kahit na nagtatrabaho siya,” dugtong ng senadora.

“Para sa akin, iyon ang pinakamahalagang aral na meron ako sa aking sariling nanay at nais kong gawin din sa aking mga anak na maramdaman nila na kapag may kailangan sila, nandito ako para sa kanila, at habang buhay ‘yon kahit na malalaki na ang aking mga anak,” aniya pa.

Para naman kay Tito Boy, na nagpasikat ng kasabihang “make your nanay proud” sa telebisyon, isang aral mula sa kanyang ina ang nananatiling nakaukit sa kanyang alaala.

“Hindi ko malilimutan ay nu’ng palagi niyang sinasabi sa akin na ‘pag nagsasalita ka, dahan-dahan. Magsalita nang malumanay.

“Magsalita nang malinaw at siguruhing maintindihan ka ng mga tao. ‘Wag mong kakalimutan na nagsasalita ka dahil gusto mong maintindihan ka ng mga tao,” aniya.

“Tuwing nagsasalita ako, hindi ko talaga nakakalimutan ‘yan dahil nu’ng bata ako madalas akong sumali sa mga declamation contest, oratorical contest, lahat pati spelling bees.

“Ang lakas-lakas ng loob ko dahil palaging sinasabi ng nanay na kahit bago pa magsimula ang contest, ‘You are my winner,'” patuloy ni Tito Boy.

Baka Bet Mo: Hugot ni Carmina: Kahit magaling ka na, kahit mabuti kang tao, you really can’t please everybody

“Kaya iniisip ko lagi ‘yan. Paano ka naman matatalo sa contest kung sinasabi ng nanay mo na bago pa man magsimula ang contest, panalo ka na. Iyon sa akin ay isa sa pinakamahalagang aral na natutunan ko,” pagtatapos niya.

Bukod sa mga mapusong pag-alala na ito, ipinagdiwang din ng “CIA with BA” ang Mother’s Day sa pamamagitan ng isang sorpresa sa ilang mga ina na dating nagreklamo sa programa, na nagdagdag ng makahulugang halaga sa okasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinangungunahan nina Alan, Pia, at Boy Abunda, ang “CIA with BA” ay ipinapalabas tuwing Linggo ng 11 p.m. sa GMA 7, at may mga replay sa GTV every Saturday, 10:30 p.m..

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending