Hugot ni Carmina: Kahit magaling ka na, kahit mabuti kang tao, you really can't please everybody | Bandera

Hugot ni Carmina: Kahit magaling ka na, kahit mabuti kang tao, you really can’t please everybody

Ervin Santiago |December 30,2021
facebook
share this

Hugot ni Carmina: Kahit magaling ka na, kahit mabuti kang tao, you really can’t please everybody

Ervin Santiago - December 30, 2021 - 08:54 AM

Carmina Villarroel at Zoren Legaspi

KUNG may isang aral na natutunan ang Kapuso actress at TV host na si Carmina Villarroel sa mundo ng showbiz, yan ay walang iba kundi ang kasabihang, “you cannot please everybody.”

In fairness, mula nang magsimula si Mina sa entertainment industry bilang child star, napanatili niya ang kinang ng kanyang bituin hanggang ngayon.

Nasubaybayan ng publiko ang kanyang career at personal na buhay simula pa noong bata siya, nang magdalaga until now na meron na rin siyang sariling pamilya.

At sa ilang dekada niya bilang artista at pagiging TV host, marami na rin siyang natutunan sa buhay na hanggang ngayon ay bitbit niya at ipinapasa sa kambal na anak nila ni Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy.

“But the greatest lesson that I’ve learned in this industry is that you cannot please everybody,” pahayag ng “Stories from the Heart: The End Of Us” lead star sa panayam ng online show ng GMA na “Kapuso Confessions.”

Ayon kay Carmina, kahit daw ibigay mo na ang 100 percent sa lahat ng iyong ginagawa at pinaghihirapang proyekto, hindi pa rin mawawala ang mga taong pilit na mambabagsak at manghihila sa yo pababa.

“Half of my life nandito na po ako sa showbiz. Kahit magaling ka na, kahit mabuti kang tao, you really can’t please everybody. Meron at merong hindi magkakagusto sa ‘yo and that’s okay,” pahayag pa ni Carmina.

View this post on Instagram

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel)


Kaya naman hindi raw siya nagkukulang ng paalala sa kanyang mga anak na gumagawa na rin ng sarili nilang pangalan sa mundo ng showbiz. 

Aniya, talagang ipinagdidiinan niya lagi sa mga ito na huwag maging pasaway kapag meron silang trabaho at palaging rumespeto sa kanilang kapwa.

“I’ve also told that to the twins na chill lang specially kasi ngayon may social media na mas marami na tayong bashers so wag na lang pansinin,” ani Mina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa weekly talk show ng kanyang pamilya na “Sarap Di Ba?”, napapanood din si Carmina tuwing tanghali (3:25 p.m.) sa GMA Afternoon Prime na “Stories from the Heart: The End Of Us” kasama ang asawang si Zoren.

Zoren ibinuking si Carmina: Nag-aaway kami sa taping, para akong anak niya na kailangang intindihin

Zoren sa tambalang Cassy-JD: May chemistry sila, in fairness!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending