Francine, Orange & Lemons nagkaayos na, balak mag-collab in the future
“ALL is well.” Ito ang ibinandera ng bandang Orange & Lemons sa isang Facebook post matapos silang makausap ng ABS-CBN News kasama ang aktres na si Francine Diaz at ilan sa mga producers at organizers ng isang event sa Occidental Mindoro.
Magugunitang mainit na pinag-usapan sa social media ang tila tensyon ng umano’y pag-prioritize at pagsingit ng dalaga sa banda.
Base sa viral video, tinawag ng host ng event ang Kapamilya actress habang nagre-ready sa stage ang banda upang mag-perform.
Nang sumalang na ang OPM band, nagsalita ang lead singer na si Clem Castro at sinabing sana’y bilang artists ay magkaroon ng respeto at huwag magsingitan.
Baka Bet Mo: Francine Diaz ipinagtanggol ng ina tungkol sa ‘singit’ issue
View this post on Instagram
Sa latest post ng Orange & Lemons, taos pusong nag-sorry ang banda sa lahat ng naapektuhan sa kontrobersiya.
“We all took accountability for our actions and lapses in judgment. Unfortunate as it may be, it was a learning experience for everyone,” caption niya.
Wika pa niya, “We express our sincere apologies to all affected with this incident and we ask for your understanding. Thanks to all who expressed their support. It’s time to spread the love.”
Sa eksklusibong panayam ng entertainment reporter na si MJ Felipe, sinabi ng producer at organizer ng event na si Kylee Dioneda na nagkaroon ng “miscommunication.”
“Unang-una po sa lahat, humihingi po ako ng pasensya sa mga nangyari,” sey ni Kylee.
Paliwanag niya, “Ito po talaga ay miscommunication lang po ng lahat, sa dami po ng nangyari that time sa event.”
Base sa ulat ng Kapamilya network, na-delay ng dalawang oras ang naturang event.
Unang magpe-perform ang Orange & Lemons, habang si Francine ang huling artist na magtatangahal at naka-schedule sana sa pagitan ng 9:00 p.m. to 10:00 p.m.
Pero dahil nga late ang start ng program, nag-request ang kampo ng aktres na mauna na dahil isang kanta lang naman ang kakantahin nito.
Nabigyan ito ng go signal, pero hindi na-inform ang banda at dito na nag-umpisa ang tensyon.
Aminado si Clem na hindi niya inaasahang lalaki ang isyu at dahil diyan ay nagpatawag siya ng pagpupulong sa lahat ng involved at humingi ng sorry.
“I apologized for my actions. There was a lapse of judgment on my part because of that miscommunication that Francine’s camp was requesting,” kwento ng bokalista.
Paliwanag pa niya, “But everyone was tired, we were tired. There was pressure.”
Sinabi rin ni Francine na humingi rin siya ng tawad sa banda, “Kasi kahit hindi ko po intention na mag-disrespect, ganun po ang nangyari. Ganun yung naging kalabasan.”
Ngayong nagkaayos na ang dalawang panig, ibinunyag ni Francine na magkakaroon sila ng possible collaboration ni Clem.
“He offered po, Sir Clem offered na parang kung meron akong gagawing songs in the future, pwede siyang magsulat for me. At kung meron akong sinusulat, pwede niyang mas ayusin pa ‘yun,” pagbubunyag ng young actress.
Ani pa niya, “Ako rin po as my peace offering, ininvite ko po siya sa araw na isho-show yung first movie namin ni Seth.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.