‘Baby bump’ ni Angeline nahalata, fans todo-hula sa gender

‘Baby bump’ ni Angeline nahalata, fans todo-hula sa gender: ‘Siguro girl!’

Pauline del Rosario |May 05,2024
facebook
share this

‘Baby bump’ ni Angeline nahalata, fans todo-hula sa gender: ‘Siguro girl!’

Pauline del Rosario - May 05, 2024 - 11:21 AM

‘Baby bump’ ni Angeline nahalata, fans todo-hula sa gender: 'Siguro girl!'

PHOTO: Screengrab from Instagram/@loveangelinequinto

MARAMING fans na ang nagpaabot ng “congratulatory” messages at well-wishes kay Angeline Quinto matapos mapansin ang kanyang baby bump sa isang recent video.

Sa Instagram, mapapanood ang video ni Angeline na nakasuot ng floral dress at may pino-promote na brand.

Sa bahagi ng clip nito ay makikitang nag-cross arms ang singer-actress at doon mas nakita ang pagkaumbok ng kanyang tiyan.

Baka Bet Mo: Angeline sinabing bading si Nonrev nang ipakilala kay Vice, bakit kaya?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)

Bilang umagaw-pansin nga ito sa netizens, marami ang nagpahayag ng kanilang pagkatuwa.

May mga nanghula na ng gender ng magiging second baby ni Angeline, habang ang iba ay nagpaabot ng dasal para sa safe pregnancy niya.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“I think it’s a baby girl kasi very blooming si Angeline.” 

“Excited na [ako] sa pangalawa. [Sana] girl para Sylvia.”

“Ay wow, may baby #2. Congratulations you’re pregnant again! [red heart emojis]”

“Angeline, your baby bump is showing, wow. Praying for your healthy and safe pregnancy. God bless [red heart emoji]”

“Nag-iba mukha niya. Siguro its a girl! Inaagaw daw pag girl ‘yung ganda ng nanay, but still beautiful congrats [red balloon emoji].”

Noong nakaraang buwan lamang nang ibinalita ng showbiz insider na si Ogie Diaz na ipinagbubuntis ni Angeline ang second baby nila ng mister na si Nonrev Daquina.

‘Yan ay matapos silang makibalita sa naganap na wedding ng couple sa Quiapo Church noong April 25.

Ayon kay Ogie ay hinihintay ng supporters ni Angeline ang anunsyo nitong buntis ulit siya pero nauna na niya itong ibinalita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dalawang taon na ang panganay ng mag-asawang si Sylvio na isinunod sa pangalan ng adoptive mother ni Angge na si Mama Bob.

Samantala, until now ay hindi pa ibinabandera ng singer ang tungkol sa balitang ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending