Mister ni Angeline Quinto may 4 na panganay nga ba?

Mister ni Angeline Quinto may 4 na panganay nga ba?

Pauline del Rosario - May 18, 2024 - 12:42 PM

Mister ni Angeline Quinto may 4 na panganay nga ba?

PHOTO: Instagram/@loveangelinequinto

USAP-USAPAN sa social media si Angeline Quinto at kanyang non-showbiz husband na si Nonrev Daquina.

Ito ay matapos sabihin ng isang netizens sa isang post na may apat na panganay mula sa iba’t-ibang babae ang asawa ng singer.

Ayon pa sa nagkomento, baka magaya si Angeline sa nangyari sa komedyanang si Pokwang.

‘Hindi na masisis public figure si Angge tapos ‘yung guy may history na apat na panganay. Sana nga iba siya. Baka mamaya in the end, ma-grant din siya kagaya kay Poki,” lahad ng netizen.

Baka Bet Mo: Angeline buntis sa 2nd baby nila ni Nonrev; masayang-malungkot sa kasal

Sinagot naman ito ng veteran singer at nilinaw na may dalawa itong anak sa unang partner.

“I’m sorry, dalawa lang ang naging unang anak niya sa una,” reply niya.

Mister ni Angeline Quinto may 4 na panganay nga ba?

PHOTO: Screengrab from Instagram/@loveangelinequinto

Kung matatandaan, taong 2020 nang mabalitang naghiwalay na ang couple at may chika pa nga noon na may sumulpot na babae at kine-claim na siya ang bagong girlfriend ni Nonrev.

Ngunit kalaunan ay bigla nalang nawala ang mga usap-usapan na ‘yan.

Sa isang report ng PEP.ph, sinabi ng dating asawa ni Nonrev na may tatlong panganay na ito mula sa magkaibang babae. 

At that time, hindi nag-react ang singer sa mga chismis.

Taong 2022 nang maglabas ng pahayag si Angeline sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel at sinabi niyang looking forward siyang ma-meet ang mga anak ng kanyang partner.

“Ako anytime talaga, gustong-gusto ko,” sambit niya sa video.

Patuloy ni Angeline, “Sinasabi ko ‘yan sa kanya pag nag-uusap kami, ‘Sana babe dumating ‘yung time na kaya na medyong ipaliwanag doon sa mga bata’ — kasi syempre ‘di ba may mga moment na hindi pa nila naiintindihan kasi bata pa sila — ‘pag okay na lahat at ‘pag pwede na, I’m sure makikilala ko din naman ‘yung mga anak ni Nonrev.”

Nitong Abril, nagpakasal na sina Angeline at Nonrev na ginanap sa Quiapo Church.

Mayroon na silang anak na si Sylvio at expecting ngayon ang batikang singer sa second baby nila.

“Alam ko hindi naging madali sa umpisa. May ibang ayaw sa relasyon natin. Pero mas pinili mong manatili sa tabi ko, ‘nung panahong kailangan na kailangan kita,” wika ni Angeline sa kanyang IG post matapos ang kanilang wedding.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya pa, “‘Nung panahong ayaw ko ng kumanta at magtrabaho dahil sa pagkawala ng Mama. Ikaw ang naging kakampi at inspirasyon ko.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending