Angeline ibinandera ang baby bump: From our family to yours, happy 2022! | Bandera

Angeline ibinandera ang baby bump: From our family to yours, happy 2022!

Ervin Santiago |January 01,2022
facebook
share this

Angeline ibinandera ang baby bump: From our family to yours, happy 2022!

Ervin Santiago - January 01, 2022 - 02:41 PM

Angeline Quinto

SA kauna-unahang pagkakataon, ipinakita ng Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto ang kanyang baby bump.

Ngayong araw, New Year’s Day, ibinandera ng future mommy sa buong universe ang lumalaki na niyang tiyan.

“From our family to yours, Happy 2022,” ang maikling caption na inilagay ni Angeline sa kanyang Instagram post.

Bumuhos naman ang pagbati ng mga netizens sa biriterang singer kabilang ba nga ang ilang celebrities tulad nina Angel Locsin, Geneva Cruz, Maymay Entrata, Ice Seguerra, Jessa Zaragoza at marami pang iba.

Last December, inihayag ni Angeline na magiging mommy na siya ngunit tumangging pangalanan ang tatay ng bata. Pero aniya, nakatakda siyang manganak sa darating na Abril, 2022.

Sa panayam ni Boy Abunda kay Angeline, inamin nga nito na nagdadalang-tao na siya. Napilitan nang umamin ang singer nang tanungin tungkol sa Instagram post niya na may caption na, “New Life, Chapter One.”

“Kaya ko na-post iyon dahil kay Mama Bob,” sagot ni Angeline na ang tinutukoy ay ang first death anniversary ng yumaong ina na si Sylvia Quinto.

“At pangalawa, kasi magiging nanay na rin ako,” aniya pa. Aniya, answered prayer ang pagbubuntis niya.

“Simula nang mawala ang Mama Bob, hindi ko na alam kung para saan ako. Ano nang purpose ko sa buhay? Ano nang misyon ko sa buhay? Iyan ang lagi kong dinadasal. ‘Lord, ituro Niyo naman sa akin, para saan na po ako ngayon.’

“Kasi nararamdaman ko, kahit may trabaho ako, hindi ako masaya. Totoo, hindi ako masaya. September noong nalaman ko na buntis ako,” pahayag pa niya.

“Excited na excited ako. Ngayon lang ako naging excited nang ganito sa buhay ko. Siyempre hindi naman mawawala sa mga iniiisip ko kung paano bang maging nanay. 

“Parang hindi na ako mahihirapan kasi ang daming mga nanay na malapit sa akin, at unang-una, napalaki naman ako nang maayos ng Mama Bob.

“Ako, I’m sure, magiging mabuting nanay din ako sa anak ko. Iyon ‘yung habang buhay kong babaunin, e, lahat ng mga naiwan sa akin ng Mama Bob. 

“Hindi na ‘yung materyal na bagay. Ang akin, ‘yung mababaon ko talaga hanggang pagtanda ko, ‘yung mga natutunan ko kay Mama,” lahad pa ng Kapamilya star.

View this post on Instagram

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)


At tungkol naman sa tatay ng kanyang magiging baby, “Nakilala ko siya dahil kaibigan siya ng boyfriend ng kaibigan ko sa Sampaloc, Manila. Non-showbiz. 

“Nagkita kami isang beses, hanggang sa nagkaroon ng communication. Nagtuloy-tuloy. Ngayon, mag-iisang taon mahigit na kami,” sabi pa niya.

https://bandera.inquirer.net/296193/angeline-maligaya-na-sa-piling-ng-bf-inaming-nag-try-sila-ni-erik-pero-sabi-ko-wag-na-nating-pilitin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/300012/angeline-quinto-kumpirmadong-five-months-preggy-sa-non-showbiz-dyowa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending