Cristy inungkat ang mga naitulong kay Bea

Cristy inungkat ang mga naitulong kay Bea: ‘Magpasalamat muna, bago magreklamo’

Reggee Bonoan |May 03,2024
facebook
share this

Cristy inungkat ang mga naitulong kay Bea: ‘Magpasalamat muna, bago magreklamo’

Reggee Bonoan - May 03, 2024 - 03:55 PM

Cristy inungkat ang mga naitulong kay Bea: 'Magpasalamat muna, bago magreklamo'

Cristy Fermin, Bea Alonzo

SINAGOT na ng beteranong manunulat at host na si Nanay Cristy Fermin ang isinampang reklamo sa kanya ng aktres na si Bea Alonzo na cyber libel.

KANINANG tanghali, May 3, sa programang “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chika sa 92.3 Radyo 5 TRUE FM, nabanggit ni ‘nay Cristy na hindi siya nakasagot sa lahat ng mga tumatawag at nagpadala ng mensahe tungkol sa demanda ni Bea dahil inilaan niya ang araw kahapon para sa kaarawan ng pumanaw na ina at dinalaw nito ang puntod.

Bukod dito ay wala pa siyang natatanggap na subpoena kaya hindi niya alam kung ano ang nilalaman ng demanda.

Bungad ng CFM host, “Alam ko po may mga hinihintay kayo (CFM’ers) na tugon ngayong araw na ito dahil kahapon po ay nagsampa si Bea Alonzo ng libelo laban sa inyong lingkod, kay Ogie Diaz at sa iba pa naming mga kasama.”

Patuloy niya, “Wala pa po akong detalyadong maibibigay sa inyo dahil wala pa po kaming hawak na impormasyon. Hindi pa po namin alam kung anu-ano ba ang nilalaman ng kanyang sinumpaang salaysay kung bakit siya nagdemanda ng kasong libelo.”

Baka Bet Mo: Ogie Diaz tahimik muna sa isinampang kaso ni Bea Alonzo

Sabi pa ng host ay karapatan ng kahit sino ang magsampa ng kaso laban sa kaninuman lalo na sa mga miyembro ng mamahayag o mga tagahatid ng balita.

Aniya, “Ang libelo po, cyber libel o cyber bullying na tinatawag nila ay kakambal ng aming propesyon. Ito po ay parang dila at ngipin na magkasama. ‘Di po maaring paghiwalayin.”

Dagdag pa niya, “Pero napakalayo pa po ng tatakbuhin ng kasong ito (dahil) magpapalitan pa po kami ng aming mga sinumpaang salaysay at ang prosekusyon na po ang magde-desisyon kung sino ba ang nasa tama at kung sino naman ang nasa panig ng mali.

“Hindi po natin ito mapupuwersa para sa atin ang manghusga kung sino sa panig naming ni Bea Alonzo ang nagkasala (at) nasa husgado na po ‘yan.

“Hindi lang po naming matatanggap ni Ogie Diaz ‘yung kanyang kampo sa pagsasabi na ang aming daw pong vlogs ay ginagawa para lamang magkaroon ng mataas na views at pagkakitaan si Bea Alonzo.

“Ang programa po ni Ogie Diaz, ang kanyang vlog ang ‘Showbiz Now Na’ (at) maging ito pong ‘Cristy Ferminute’ ay dinisensyo hindi lamang po para kay Bea Alonzo.  Ito po ay para ibalita ang lahat ng kuwento positibo man o hindi tungkol sa mga personalidad na tinatawag po nating public figures.

“At bilang pampublikong pigura po sila ay kami naman po ang nagtatawid ng mga balita tungkol sa kanila hindi po naming maaaring puhunanin si Bea Alonzo lamang para kumita ang aming mga vlogs, mali po iyon.

“Lahat ng mga kuwento ay ilalatag po namin at depende na lamang po ‘yan sa pagtanggap ng mga personalidad na aming tinatalakay.”

At dito na nasambit ni ‘nay Cristy na makailang beses niyang ipinagtanggol si Bea sa mga laban nito sa mga dinaanan nitong isyu noon, “Ako po ang nagbigay ng proteksyon sa kanya, ako po ang nagtanggol. Kinalaban ko ang lahat para lang mabigyan ko siya ng magandang pagtalakay at opinion.”

Lahad pa niya, “Sa dinamidami po ba ng magagandang nagawa sa buhay na ito na tayo’y namumuhunan ng ating pangalan, ating kredibilidad, ang ating opinion at maaring sabihing nakagaganda sa isang personalidad, ‘yun pong lahat ng ‘yun kapag siya po ba ay nakarinig ng isang bahay na hindi niya gusto at masama sa kanyang panlasa (at) lahat po ba ng magandang ginawa tungkol sa kanya ng taong nagtanggol sa kanya sa pinakamahabang panahon ay ibabasura na lamang?”

Sambit pa niya, “’Yun lang po ang aking katanungan na gusto kong marinig naman (sagot), sabi namin ni Ogie Diaz makipagkilala po muna tayo sa salitang ‘maraming salamat po’ bago po tayo mag-reklamo.

“Sana po bigyan natin ng pagpapahalaga ‘yung mga taong tunay na nagmamalasakit at nagmamahal at dapat intindihin ninyo ang aming propesyon dahil kami po ay tagapagtawid at tagalatag ng mga balita, hindi maari na ang gusto n’yo lang ang aming sabihin.

“Kayo po ay public figures kayo po ay nabubuhay sa loob ng aquarium sabi ko nga at gasgas na ang linya kong ito, kayo po ay mga isda sa loob ng aquarium ang publiko po ay nakatanaw sa inyo bawa’t galaw ninyo, bawat ikot n’yo, marami pong nakatanaw, wala kayong maaring ligtasan (dahil) public figure kayo huwag masyadong balat sibuyas, pero ‘yung karapatan mo Bea Alonzo para magsampa ng kaso laban sa amin ni Ogie Diaz at sa iba pa naming mga kasama ‘yan ay hindi naming hinaharangan.

“Pero kung ito ang naging dahilan para busalan ninyo ang aming bibig, opinion at malaya naming pamamahayag ay nagkakamali kayo!

“Gumawa ka ng maganda Bea Alonzo patuloy kitang papalakpakan, patuloy kitang pupurihin pero kapag ika’y nagkakamali at sablay ang iyong ginagawa sa mata ng publiko at sa aming panlasa, ikaw ay aming papaalalahanan at tatapikin!

“Sabi nga kayo ang nagdemanda, ikaw Bea ang nagsampa ng kasong libelo laban sa akin, kay Ogie Diaz at sa aming mga kasama ano ang ating mga sinasabi, we will see you in court.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, may nagpadala ng mensahe kay ‘nay Cristy na tagapakinig ng CFM ay ipinaalala na bukod tanging si nanay Cristy ang nagtatanggol kay Bea sa panahong nilalait siya ni Manay Lolit Solis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending