'Magpapaganda ka, pag tumabi ka kay Marian ang panget mo agad!'

‘Magpapaganda ka, pero pag tumabi ka kay Marian ang panget mo agad!’

Ervin Santiago |May 02,2024
facebook
share this

‘Magpapaganda ka, pero pag tumabi ka kay Marian ang panget mo agad!’

Ervin Santiago - May 02, 2024 - 06:35 AM

'Magpapaganda ka, pero pag tumabi ka kay Marian ang panget mo agad!'

Christian Antolin, Kiray Selis at Marian Rivera

BUKOD kay Kiray Celis, ang isa pang agaw-eksena sa GMA Prime series na “My Guardian Alien” ay ang creator creator na si Christian Antolin.

Siya ang gumaganap sa role bilang Sputnik, ang katiwala ng pamilya Soriano (mag-asawang Gabby Concepcion at Marian) sa kanilang farm.

Ayon kay Christian, matagal na niyang idol si Marian, at lahat daw ng teleserye nito sa GMA at sinubaybayan niya, simula sa launching series nito na “Marimar.”

“Fan po ako ni Ate Marian. Sobra. Talaga nu’ng Marimar, ginabi-gabi ko ‘yun. Kasi ‘yung teleserye pa ‘yun ng mexican novela, love na love ko ‘yung Marimar na serye.

Baka Bet Mo: Marian ikinumpara si Gabby sa lafang: Walang itulak-kabigin sa kanya!

“Tapos nu’ng naging siya sabi ko, ‘Ay ang perfect naman nitong maging Marimar.’ Simula nu’n, naging fan na ako,” ang masayang kuwento ng komedyante sa latest episode ng “Updated with Nelson Canlas” podcast.

Pagpapatuloy pa niya, “Hanggang sa Amaya, Darna, ‘yun. Temptation of Wife, sobrang love ko na siya, naging fan na talaga ako niya, sobrang minahal ko na siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)


“And nu’ng nakita ko siya personally, sabi ko ‘Hala! Para akong nananalamin,'” ang tumatawang biro ni Christian.

Kasunod nito, itsinika naman ni Nelson ang naging usapan nila one time ng asawa ni Dingdong Dantes.

“Kasi ‘di ba, bago kayo mag-interview, mag-aayos ka, magpapaganda ka talaga, tapos kapag tumabi ka sa kanya ang panget mo na agad.

Baka Bet Mo: Marian nangapa sa muling pagsabak sa serye: Sabi nila echosera raw ako!

“Sabi ko, ‘dalawang oras ako nag-ayos, Marian, ‘wag kang ganu’n. Tapos ikaw parang nagising ka lang ganu’n,'” ang nakakalokang chika ng Kapuso showbiz reporter.

Hirit naman ni Christian, “Hindi patas makipaglaban ‘yan si Ate Marian.”

Pagsang-ayon ni Nelson, “Hindi nga, sabi ko, ‘you’re so unfair.’ Sabi ko, ‘maraming beses sinisi ko yung magulang ko dahil sa ‘yo.’ Sabi ko, ‘bakit ba ako pinanganak na ganito? Ha-hahaha!”

Pagpapatuloy pa ni Christian sa paglalarawan kay Marian, “Ang nagustuhan ko kay Ate Marian, parang Kiray, maihahalintulad sila, what you see is what you get.

“Kung ano siya sa personal, ‘yun ‘yung magugustuhan mo at ‘yun ‘yung dapat tanggapin mo,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ang “My Guardian Alien” Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Prime. Bukod kina Marian, Gabby, Kiray at Christian, kasama rin dito sina Raphael Landicho, Gabby Eigenmann, Max Collins at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending