SexBomb Mia naubos ang ipon; SexBomb Sunshine may inamin

SexBomb Mia naubos ang ipon; Sunshine may inamin tungkol sa grupo

Ervin Santiago - May 01, 2024 - 02:42 PM

SexBomb Mia naubos ang ipon; Sunshine may inamin tungkol sa grupo

Mia Pangyarihan, Boy Abunda at Sunshine Garcia

DUMAAN din sa mga pagsubok ang mga original member ng iconic all-girl group na SexBomb Dancers mula noong mabuwag ang kanilang grupo.

Talaga namang sumikat at namayagpag nang bonggang-bongga ang SexBomb Girls simula ng taong 2000 at tumagal ng halos dalawang dekada.

Hindi lang sa pagsasayaw at pagkanta nakilala ang grupo sa pangunguna ng kanilang leader na Rochelle Pangilinan, kundi pati na rin sa aktingan, sa pamamagitan ng seryeng “Daisy Siete” na umariba rin afternoon slot ng GMA.

Baka Bet Mo: Tom Rodriguez naubos daw ang naipong pera sa pagtulong sa mga mahihirap, pero may twist ang kuwento…

Sa katunayan, isa ang “Daisy Siete,” sa maituturing na isa sa longest drama series sa Philippine TV na umabot ng seven years sa ere.

Hanggang sa dumating na nga yung araw na nabuwag na ang SexBomb at magkanya-kanya na sila ng landas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by IamMia (@mia_pangyarihan)


Sa guesting ng dalawang miyembro ng grupo na sina Sunshine Garcia at Mia Pangyarihan sa “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, ay natanong kung paano nila natanggap ang “paghupa” ng kanilang career as SexBomb Girls?

“Para kasing noong alam ko na wala na masyadong show, tinanggap ko lang siya. Kasi ito ‘yung reyalidad na alam naman natin from the start na doon papunta,” ang pahayag ni Sunshine kay Tito Boy.

“Wala naman nag-i-stay talaga ng nasa taas ka lang lagi.

“Darating ‘yung time na maraming darating na bago. Magsa-subside ka rin pakonti-konti,” dagdag ng aktres.

Nagpapasalamat din si Sunshine dahil
Kahit umalis siya sa SexBomb ay nagkaroon pa rin siya ng trabaho sa ibang TV network.

Baka Bet Mo: Adbokaserye nina Ken at Rita trending agad: pang-best actor at best actress agad ang aktingan

“Hindi ko rin siya masyadong naramdaman talaga, Tito Boy,” chika pa ni Sunshine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Garcia-Castro (@sunshine_garcia)


Inamin naman ni Mia na may pagkakataon na naubos ang kanyang ipon dahil nga wala na ngang natatanggap na trabaho ang kanilang grupo.

“Ako, Tito Boy, naramdaman ko. Kasi dumating ako sa point na naubos ‘yung ipon. Dumating ako doon sa point na nabenta ko ‘yung kotse ko,” ang pagpapakatotoi ni Mia.

“Parang sabi ko nga, ‘yung kotse, parang last ‘hurrah’ ko na siya eh, ‘yun naman ‘yung ginamit ko pang business. Which is, thank you Lord, nag-boom naman siya,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Taong 1999 nang mabuo ang SexBomb Dancers na unang napanood sa segment na “Laban o Bawi” ng longest-running noontime show sa buong mundo, ang “Eat Bulaga”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending