Dating member ng SexBomb Dancers nahawa ng COVID-19  | Bandera

Dating member ng SexBomb Dancers nahawa ng COVID-19 

Ervin Santiago - April 30, 2020 - 01:08 PM

NAHAWA ng COVID-19 ang former member ng SexBomb Girls na si Jacque Estevez. 

Isang medical frontliner ngayon sa Amerika si Jacque, nag-positive siya sa killer virus matapos mahawa habang nasa duty.

Nagkaroon ng reunion ang ilang members ng SexBomb Girls sa pamamagitan ng video conference kabilang nga sina Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Izzy Trazona, Yvette Lopez, Weng Ibarra, Monic Icban at Jacque.

Ayon kay Jacque, mahigit 10 taon  na silang nakatira sa Anaheim, California. Doon na raw siya nagkaroon ng asawa at may tatlo na ring anak.

Isang proud medical frontliner ang dating SexBomb Dancer at hindi maiiwasan ang nangyari sa kanya dahil exposed siya sa mga COVID-19 patients sa ospital.

Maayos na ang health condition niya ngayon pero aniya, hinding-hindi niya malilimutan ang naging karanasan niya noong nakikipaglaban siya sa killer virus.

“’Yung lungs ko noon parang nagbi-build up so halos natutulog ako, nakaupo. Dahil kapag nakahiga ako, parang magbi-build tapos hindi na ako makahinga.

“Parang tinutusok ‘yung katawan mo. ‘yung chest ko parang mag nags-stab na kutsilyo. Parang ganu’n ‘yung nafi-feel ko,” lahad ni Jacque.

Naging emosyonal din si Jacque nang muling makita at makausap ang mga dating kasamahan sa SexBomb Dancers. 

“Talagang na-touch ako. Medyo kinabahan ako kasi nami-miss ko na sila. Matagal ko na silang hindi nakausap.

“Nu’ng nag-usap kami parang bumalik ulit ‘yung time na nagkukulitan pa rin kami lahat,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, ibinita ni Rochelle na tumayong leader ng grupo noon, may pinaplano na silang reunion show ng SexBomb.

“Mayroon na kaming binubuo. Hindi ko lang masabi kung kailan kasi ‘di rin naman natin masabi kung hanggang kalian itong ECQ,” sey ni Rochelle.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending