Yasser Marta na-fall kay Claudine: Single ako, I guess, siya rin

Yasser Marta na-fall kay Claudine: Single po ako, I guess, siya rin!

Ervin Santiago - May 01, 2024 - 08:45 AM

Yasser Marta na-fall kay Claudine: Single po ako, I guess, siya rin!

Yasser Marta at Claudine Barretto

NAKAKALOKA ang mga naging rebelasyon ng Kapuso hunk actor na si Yasser Marta tungkol sa kanila ni Claudine Barretto.

Diretsahang inamin ng Sparkle artist na na-fall at totoong nagkagusto siya kay Claudine matapos ma-develop habang ginagawa nila ang GMA Prime series na  “Lovers/Liars.”

Baka Bet Mo: Yasser Marta feeling suwerte kay Maine: Sobrang hindi pa rin ako makapaniwala…

Ayon sa binata, hindi niya napigilan ang sarili na magkagusto kay Claudine dahil sa magaganda at kahanga-hangang mga katangiang taglay nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yasser Marta (@itsyassermarta)


Sumabak si Yasser sa kontrobersyal na “Trip to the Hot Seat” segment ng weekly morning talkshow na “Sarap Di Ba?” nitong nagdaang Sabado, April 27.

Dito, tinanong nga ng kapwa niya Kapuso artist na si Liezel Lopez si Yasser tungkol sa naging tunay na relasyon nila ni Claudine noong ginagawa nila ang kanilang serye.

“Mula nu’ng magkasama kayo sa isang soap, madalas kayong nakikitang magkasama ni Miss Claudine Barreto off-cam.

“On a scale of 1 to 10, paano mo ire-rate ang level ng closeness/intimacy ninyo ni Miss Claudine Barretto?” ang tanong ni Liezel sa aktor.

Baka Bet Mo: Yasser Marta game na game sa paghuhubad: Wala naman akong dapat ikahiya

Sagot ni Yasser, “Well, sa closeness namin ni Miss Clau, 10 talaga. Sobrang naging close kami, ginagawa namin yung Lovers/Liars. Talagang, oo.

“Alam mo yun, ah, pati yung mga anak niya naging friend, kaibigan ko rin talaga,” ang pag-amin ni Yasser habang nakatingin sa kanya ang mga host ng “Sarap Di Ba?” na sina Carmina Villarroel, Mavy at Cassy Legaspi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yasser Marta (@itsyassermarta)


Hirit na tanong pa ni Liezel, “Nagkaroon ka ba ng feelings sa kanya?”

Tugon ni Yasser, “Ako Miss Mina (Carmina), I’m going to be honest. Totoo, ako naman, yung naramdaman ko at that moment, naging totoo ako, gusto ko rin naman talaga si Claudine.

“Parang hindi naman siya.. sabi ko, kahit hindi siya si Claudine, kahit naman sinong lalaki, magugustuhan pa rin po siya.

Baka Bet Mo: Yasser Marta gustong ‘maka-date’ ang idol na si John Lloyd Cruz: Pangarap ko talagang makatitigan siya…

“Bukod sa mabait, napakalambing, napakabuti ng puso niya,” ang revelation pa ng hunk actor.

Ang sumunod na tanong ni Carmina, “So, nagkaroon ka ng feelings sa kanya? Off-cam?”

Mabilis na sagot ni Yasser, “Single naman po ako. I guess, siya rin. Ako, siguro na-develop din po ako.”

In fairness, single na single naman talaga ngayon si Claudine at wala pa siyang naging dyowa mula nang naghiwalay sila ng estranged husband niyang si Raymart Santiago.

Sa isang interview, kinumpirma rin ni Yasser na naghiwalay na sila ng ex- girlfriend na si Kate Valdez noon pang November, 2023.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman, pwedeng-pwede talagang maging magdyowa sina Claudine at Yasser kung gugustuhin nila. Ang hindi lang naitanong sa aktor ay kung niligawan ba niya si Clau o kinimkim lang niya ang kanyang feelings.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending