Netizen may nakitang 'demonic sign' sa photo nina Rica at Paula

Netizen may nakita raw ‘demonic sign’ sa litrato nina Rica at Paula

Ervin Santiago |April 30,2024
facebook
share this

Netizen may nakita raw ‘demonic sign’ sa litrato nina Rica at Paula

Ervin Santiago - April 30, 2024 - 08:00 AM

Netizen may nakita raw 'demonic sign' sa litrato nina Rica at Paula

Rica at Paula Peralejo

BINARAG agad-agad ni Rica Peralejo ang netizen na naglagay ng masamang interpretasyon sa video nila ng kapatid na si Paula Peralejo sa Instagram.

Ang feeling kasi ng naturang IG user ay gumamit daw ng “demonic sign” si Rica sa ginawa nilang short video ni Paula na in-upload nitong nagdaang April 26 sa IG.

Makikita rito na ni-recreate ng magkapatid na aktres ang throwback picture nila noong bata pa sila kung saan nilagyan nga ng “peace sign” ni Rica sa ulo si Paula.

Sey ni Rica sa caption, “One of the best things in life is to have a sibling/s. May kashare ka ng trauma stories. CHAR! Happy weekend!

Baka Bet Mo: Sabrina M hugot na hugot sa ‘fake friend’: ‘Kadiri kang maging kaibigan, sis! Naninira kapag nakakatampuhan’

“Ps: thanks to our director and support system @vpee #peralehood,” aniya pa.

Narito ang mga comments ng ilang followers ng celebrity mom.

“Ang ganda gandanyoooo gandang Mama alice!”

“Super cute!!! Funny nung trauma stories.”

“Lalo lang kayong gumanda sa pagtanda.”

“Sobrang gaganda na mga sister.”

“Sorry nowadays generation. Nothing beats the ogs grabeeeeeeeeeee! Wala bang reunion ng mga artista noon hahahahahahaha. Sarap ninyong panoorin sa isang frame gosh.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rica Peralejo-Bonifacio (@ricaperalejo)


“Yung pants mo @ricaperalejo na bumalik na ang uso ngayon lalo na for kids. lakas!!”

“Kaka miss na mn c Paula Paralejo idol ko xa at ikaw den lagi akong nanonood ng Okat tokat at tabing ilog.”

Baka Bet Mo: Alden isa sa mga ‘sign’ na natanggap ni Kuya Kim kaya lumipat na sa GMA 7

Pero isang netizen nga ang nambasag sa trip nina Rica at Paula at nagtanong ng, “Is it okay lang po ba maglagay ng demonic sign po like sungay sa kasama sa picture?”

Sinagot agad ito ni Rica, “Ok lang kasi hindi naman demonic sign yan. Ikaw, okay ka lang ba?”

Nagkomento rin si Paula sa naging interpretasyon ng netizen sa kanilang post, “Kasi ganu’n po yung pose nu’ng bata kami. Ganu’n lang naman kasimple, di naman kailangang bigyan ng ibang meaning.”

In fairness, marami ang nagtanggol sa magkapatid at nagsabing wala silang nakitang kahit anong demonic sign sa kanilang post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hirap pasayahin kaloka to c ate ghirl daming pino problema nakita pa ang PEACE SIGN!” ang winner na comment ng isang IG user.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending