Rica tinalakan ang nagsabing ‘lavish’ ang pamumuhay niya

Rica tinalakan ang basher na nagsabing ‘lavish’ ang kanyang pamumuhay

Pauline del Rosario |March 11,2024
facebook
share this

Rica tinalakan ang basher na nagsabing ‘lavish’ ang kanyang pamumuhay

Pauline del Rosario - March 11, 2024 - 03:53 PM

Rica tinalakan ang basher na nagsabing 'lavish' ang kanyang pamumuhay

PHOTO: Instagram/@ricaperalejo

HINDI na kinaya ng celebrity mom na si Rica Peralejo ang pamba-bash na binabato sa kanya ng ilang haters.

Sa pamamagitan ng Threads, naglabas ng sama ng loob si Rica upang pagsabihan ang isang basher na kinukwestyon ang pagkakaroon niya umano ng “lavish” o marangyang pamumuhay bilang asawa ng isang pastor.

“I have this hater who keeps putting up accusations on my feed. But… the accusations are so dumb [grinning face with sweat emoji] I mean how can someone be so dumb? Ex: ‘you live a lavish lifestyle for a pastor’s wife’,” kwento niya sa post.

Depensa niya, “Sino bang t*ng* ang naniniwala na lavish ang lifestyle ko eh ni hindi nga ko bumibili ng designer bags?”

Baka Bet Mo: Buti na lang nagbago ako ng lifestyle kundi wala na ako ngayon o may cancer na ‘ko

Ipinaliwanag niya rin na afford naman niyang bumili ng mga mamahaling gamit, pero hindi niya ito ginagawa.

Binanggit din niya na mas malaki ang kinikita niya sa mister niya dahil isa siyang artista, content creator at influencer.

Rica tinalakan ang basher na nagsabing 'lavish' ang kanyang pamumuhay

PHOTO: Threads/@ricaperalejo

Kasunod niyan, sinabi niya na kahit mismo mister niya ay hindi nagsusuot ng mga mamahaling gamit.

Hindi, aniya, tulad ng ibang pastor na katakataka kung saan nakukuha ang pambili nito.

“And wow talk about lavish ang asawa ko nakatikim lang ng 530s ‘yan ‘nung binilihan ko lately [laughing emoji] ni hindi man lang mahal ‘yun like Yeezys or Chanel slip ons or other designer stuff na suot suot ng mga pastor ha!” wika niya.

Patuloy niya, “I mean defs may mga pastor na pag tiningnan mo mapapaisip ka san nanggaling ang lahat  [grinning face with sweat emoji] but naku naman! Asawa ko? Kami? T*ng* na lang ang hindi marunong mag-compute.”

Rica tinalakan ang basher na nagsabing 'lavish' ang kanyang pamumuhay

PHOTO: Threads/@ricaperalejo

Mensahe pa niya, “Minsan gusto mo nalang sabihin sa hater mo na ‘galingan mo naman’.”

Ani pa ni Rica, “I dunno anong mas nakakainis.’ Yung may hater ka o ‘yung hater mo ay medyo kinulang sa sharpness department.”

Rica tinalakan ang basher na nagsabing 'lavish' ang kanyang pamumuhay

PHOTO: Threads/@ricaperalejo

Sa latest post ng celebrity mom, tila nakiusap siya sa publiko na magbasa-basa na muna bago mag-react sa isang bagay.

“I turned 43 recently and my wish is that people would start reading captions before reacting or commenting on a photo. CHAR [laughing face emojis],” sambit niya sa post.

Baka Bet Mo: John Prats nagpahayag ng suporta kay Moira dela Torre: Sana maging mapayapa na ang lahat!

Rica tinalakan ang basher na nagsabing 'lavish' ang kanyang pamumuhay

PHOTO: Threads/@ricaperalejo

Matatandaang nakilala si Rica sa kanyang mga pagganap sa ilang teleserye ng ABS-CBN kagaya ng “Mula Sa Puso, “Kay Tagal Kang Hinintay,” at “Marinella.”

Nakasama din siya sa ilang sitcoms tulad ng “Oki Doki Doc,” at “OK Fine Whatever.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Taong 2010 ikinasal si Rica at mayroon siyang dalawang anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending