Buti na lang nagbago ako ng lifestyle kundi wala na ako ngayon o may cancer na 'ko | Bandera

Buti na lang nagbago ako ng lifestyle kundi wala na ako ngayon o may cancer na ‘ko

Ervin Santiago |March 24,2021
facebook
share this

Buti na lang nagbago ako ng lifestyle kundi wala na ako ngayon o may cancer na ‘ko

Ervin Santiago - March 24, 2021 - 09:26 AM

KUNG hindi nagbago ng lifestyle ang Kapuso Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas baka raw patay na siya ngayon o nakikipaglaban na rin sa cancer.

Aminado ang komedyana na medyo inabuso rin niya ang kanyang katawan noong kabataan niya, kabilang na ang walang patumanggang pagkain niya ng junk foods.

Ibinahagi ni Ai Ai sa kanyang social media followers ang mga naging pagbabago sa kanyang katawan mula nang karirin niya ang pagkakaroon ng healthy lifestyle.

Sa Instagram, nag-post si Ai Ai ng isang video clip kung saan ipinakita niya ang isang coffee shop sa Bonifacio Global City sa Taguig kung saan sila unang nag-date ng asawa niyang si Gerald Sibayan.

Dito, inalala rin ng Kapuso comedienne-TV host kung paano nabago ang takbo ng buhay niya mula nang maging magkarelasyon sila ni Gerald.

“7 years ago sa Starbucks na ito kami unang nag-date ni Darl,” simulang pahayag ni Ai Ai sa caption ng kanyang IG post.

Patuloy niyang pagbabalik-tanaw, “Sabi n’ya, nagturo pa siya para may pera siyang pang-date pero ang inorder ko lang naman ay cheesecake at saka soya milk.

“Na-miss ko rin ‘yung buhay matakaw ko. Bago ako matulog dati, eto mga kinakain ko: bananacue or kamotecue, chippy, coke… Favorite ko ang pizza pie, spaghetti, fried chicken, nilagang baka, basta lahat gusto ko kainin.

“Buti na lang at nagbago ako ng lifestyle kung hindi wala na ako sa mundo ngayon or may cancer na ako,” sey pa ng komedyana.

Base sa mga hashtag na ginamit ni Ai Ai, may limang taon na rin siyang kumakain ng organic food at bukod sa naoperahan na siya sa gallbladder, meron din siyang colon polyps.

Base sa isang health website, ang  colon polyp ay, “small clump of cells that forms on the lining of the colon.

Although harmless, overtime some colon polyps can develop into colon cancer, which is often fatal when found in its later stages.”

Ipinagdiinan ng Comedy Queen sa isang panayam na napakaraming magandang epekto sa katawan niya ng “organic, no-meat, no-dairy, no-carb” diet.

“In fairness naman, napakaraming dulot na ganda ang pagkain ng organic. Salamat sa organic no-meat, no-dairies, no-carb kong diet, nawala rin ang aking psoriasis, vertigo, asthma,” aniya.

May paalala rin ang komedyana sa lahat ng kanyang fans na patuloy na ipinagsasawalang-bahala ang kanilang kalusugan, “Life is short… you can make it shorter.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, napapanatili pa rin ni Ai Ai hanggang ngayon ang kanyang pagiging fit and healthy sa pamamagitan ng regular workout sessions kasama si Gerald.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending