Alden isa sa mga ‘sign’ na natanggap ni Kuya Kim kaya lumipat na sa GMA 7
Kim Atienza at Alden Richards
ISA ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa ibinigay na “sign” kay Kim Atienza para tanggapin na ang bonggang-bonggang offer ng GMA 7.
Inamin ng TV host na humingi rin siya ng mga signs para sa isa sa pinakamahirap na desisyong gagawin niya na may kinalaman sa kanyang career.
Sa panayam ng media kay Kuya Kim, inamin niya na wala talaga sa plano niya noon ang lumipat sa GMA 7 dahil unang-una wala naman daw offer ang istasyon sa kanya.
Ngunit nang makatanggap na siya ng mensahe mula sa mga bossing ng Kapuso network, doon na siya nanghingi ng payo at guudance sa kanyang mga kapamilya at kaibigan.
“I was asking them, ‘What will people think if I transfer? Is it okay to transfer, to consider other options? Those (friends) said, ‘Of course, people will understand,’” pahayag ng TV host.
At habang pinag-uusapan daw nila ang tungkol sa offer ng GMA, isang personalidad na mula sa Kapuso station ang biglang lunapit at bumati sa kanya.
“While we were discussing my move to GMA 7, someone calls my name then I look. He was wearing a mask, he came from the gym upstairs. It was Alden Richards!
“Sabi nu’ng dalawang kasama ko, ‘Kim, ‘di ba sign ‘yon? Pinag-uusapan natin GMA and then bumaba si Alden.’ Sabi ko, ‘Oo nga,’” pagbabahagi pa ni Kuya Kim.
Kuwento pa ng bagong Kapuso host, ilang sandali lamang ang lumipas matapos silang magkita ni Alden, tumawag naman sa kanya ang kaibigan niyang si Vice President for Corporate Affairs and Communications Angel Javier Cruz.
Bukod pa rito, nakatanggap din siya ng surprise call mula kay GMA Films President Annette Gozon Valdes. At dito na nga napagtanto ni Kuya Kim na mukhang pinalilipat na nga siya ng tadhana sa GMA.
“All in that same day, kinikilabutan ako. Sabi ko, ‘Lord, yung signs na binigay mo, ang linaw!’” aniya pa.
Maayos naman daw ang naging pamamaalam at pag-alis niya sa ABS-CBN, “I was able to say goodbye properly. They took it well.”
Tatlong proyekto agad ang ibinigay ng GMA management kay Kuya Kim — nandiyan ang “24 Oras,” “Mars Pa More,” at ang bagong programa sa GTV na “Dapat Alam Mo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.