Marian humamig agad ng milyones sa 'Marimar, pero bakit nawala?

Marian humamig agad ng milyones sa ‘Marimar’ video, pero bakit nawala?

Ervin Santiago |April 28,2024
facebook
share this

Marian humamig agad ng milyones sa ‘Marimar’ video, pero bakit nawala?

Ervin Santiago - April 28, 2024 - 03:33 PM

Marian humamig agad ng milyones sa 'Marimar' video, pero bakit nawala?

Marian Rivera

MILYUN-MILYONG views at comments agad ang nakuha ng viral na ngayong “Asoka Makeup Challenge” ni Marian Rivera sa TikTok.

Dito mapapanood ang transformation ng Kapuso Primetime Queen bilang Marimar, ang karakter na ginampanan niya noon na unang pinasikat ng Mexican actress na si Thalia.

Sa naturang post, makikita nga si Marian na nagme-makeup habang gumigiling  sa theme ng iconic Kapuso series.

Aniya sa caption na inilagay ng asawa ni Dingdong Dantes sa kanyang TikTok video, “Bring you back to 2007 – Asoka style.”

Baka Bet Mo: Marian feeling super sexy kapag hinahalikan sa paa ni Dingdong, Boy napa-‘OMG!’; may rebelasyon habang ginagawa ang ‘Marimar’

Ang “Asoka” ay isang current trend ngayon sa social media mula sa  traditional Indian bridal makeup “popularized in the 2001 Bollywood film Asoka” na pinagbidahan nina Kareena Kapoor Khan at Shah Rukh Khan.

Ngunit ang sad news, hindi na makikita sa TikTok account ni Marian ang naturang video as of today, April 28, dahil umano’y copyright issue na ginamit bilang background music.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Bago ang pag-take down sa video ni Marian, nauna na siyang nag-post ng isang silhouette video ng isang girlalu na nagsasayaw sa instrumental theme ng “Marimar.”

Baka Bet Mo: Kathryn 2 kurso ang pinagpipilian sa college: Unang dream ko talaga maging makeup artist

Umabot na sa mahigit 16 million views at mahigit isang milyong likes ang nahamig ng nasabing video ni Marian.

Kung matatandaan, bumida sina Marian at Dingdong Dantes sa Philippine adaptation ng “Marimar” na umere sa GMA 7 noong 2007.

Si Angel Locsin ang first choice sa nasabing project pero tinanggihan ito ng aktres kaya nagpa-audition ang GMA kung saan si Marian nga ang napili.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matagal nang abangers ang mga fans na makita ang kanilang idol na muling gawin ang kanyang iconic dance sa “Marimar” para sa TikTok.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending