Diego shookt sa gastos sa 1st b-day ng anak: Higit pa sa debut

Diego shookt sa gastos para sa 1st birthday ng anak: Higit pa sa debut!

Ervin Santiago |April 25,2024
facebook
share this

Diego shookt sa gastos para sa 1st birthday ng anak: Higit pa sa debut!

Ervin Santiago - April 25, 2024 - 09:10 AM

Diego shookt sa gastos para sa 1st birthday ng anak: Higit pa sa debut!

Diego Loyzaga, Baby Hailey, Coleen Garcia at Mac Alejandre

NAGBAGO na ang mga priorities ngayon sa buhay ng aktor na si Diego Loyzaga – una na sa listahan niya ang anak na si Hailey.

Inspired si Diego sa pagtatrabaho dahil nga sa kanyang anak na nagsabing handa siyang gawin ang lahat para sa kapakanan at kinabukasan ng bagets.

Nakachikahan ng ilang members ng media ang binatang ama sa naganap na presscon ng bago niyang pelikula na “Isang Gabi” kasama si Coleen Garcia mula sa direksyon ni Mac Alejandre.

Baka Bet Mo: ‘Huwag po masyadong mag-alala ang mga nagmamahal kay Kris…masarap at masaya pa rin siyang kausap’

Kuwento ni Diego, magse-celebrate na ng first birthday ang anak next month, “In the first week of May, I’m doing five back-to-back raket just to afford her birthday party.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego 🪬 (@diegoloyzaga)


“Not that I can’t afford it but, you know, money out is still money out. Pandagdag lang because hindi ko akalain na ang first birthday niya ay gagastos din pala ako na parang higit sa isang debut na pala!” ang sey ni Diego.

“I am doing everything in my power to be able to…I’ve said so much, e. I really promised so much. I want to be able to provide.

“And even though sinasabi ko na hindi naman niya maalaala yung first birthday niya, ang laging sinasabi ng nanay ng baby ko ay ‘Pero tayo, maaalala natin ito.’ Wala akong takas!” pahayag pa ng anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Pagpapatuloy pa niya, “If you ask me how inspired I am, this is our first choice of career, di ba? Kami naman, showbiz. But I am starting to think about branching out already for… I’m 29 next month.

Baka Bet Mo: Kris mamula-mula na ang face, nadagdagan ang timbang matapos gamutin ng mag-amang Indian doctor; Bimby mas lalo pang gumuwapo

“So, nagsimula na akong magnegosyo, which I never thought I would enter before and it doesn’t end. It keeps on going. Ang dami ko nang ibang mga ginagawa na sideline na trabaho.

“I was asking Direk Mac backstage, ‘Guys, I fly in on this day from Japan and the next day, dapat mag-Cebu, the next day Bohol, and after that Mindanao. Gawin ko ba?'” sey ni Diego.

Sabi naman daw ni Direk Mac kay Diego, “Go, if the renumeration is worth the aggravation. You can do it, you’re young.”

Pagpapatuloy pa ng aktor, “Makuwento ko lang, last weekend, we drove five hours sa Nueva Ecija, five hours to Pangasinan.

“From Pangasinan, I drove seven hours back to Caloocan, and that was all in… a little more than 24 hours. Twenty-one hours on the road pa lang, just to do three back-to-back rakets. I’m very motivated,” ang super inspired pang sey ni Diego.

Samantala, naniniwala ba kayo na ang pag-ibig na nabuo sa isang gabi ay maaaring tunay at wagas?

Sina Coleen at Diego ay magtatambal nga sa pelikulang “Isang Gabi”, mula sa direksyon ni Mac Alejandre at sa panulat ni Ricky Lee.

Ito ang kwento nina Karla at Dindo na magtatagpo sa panahong parehas silang mayc madilim na pinagdadaanan. Sa gabing iyon, nagkasundo silang iku-kwento ang lahat sa buhay nila.

Sa paglantad ng kanilang mga sekreto, panoorin kung paano sila pag-uugnayin ng mga ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Si Karla ay galing sa hirap na nakapangasawa ng mayaman. Pero ito rin ang simula ng kanyang pagdurusa, hangga’t sa ayaw na niyang magkaroon ng anak.

Kwento niya kay Dindo na baka mamana lang ng kanyang mga anak ang depresyon niya. Pinag-iisipan ni Karla kung ito ang tamang panahon para magbagong-buhay.

Si Dindo ay isang propesor ng Literatura. Kaya siya nasa bar ay para aliwin ang sarili sa huling pagkakataon. Kwento niya kay Karla na kinabukasan ay susuko siya sa mga pulis.

Kumbinsido si Karla na hindi masamang tao si Dindo. May eksena kung saan sasabihin niya kay Dindo na ‘wag siyang iwan nito. Ganito pa rin kaya ang mararamdaman niya kapag nalaman niya ang krimeng nagawa ni Dindo?

Bago matapos ang gabi, lalabas ang nakakagulat na katotohanan. May naghihintay kayang magandang kinabukasan para kina Karla at Dindo nang magkasama o kanya-kanyang buhay?

Kasama sa “Isang Gabi” sina Alex Medina bilang Andrew, ang mayamang asawa ni Karla; Yayo Aguila bilang Mrs. Garcia, ang ina ni Andrew; Soliman Cruz bilang Colonel Garcia, ama ni Andrew; at Angelica Hart bilang Bella, ang nobya ni Dindo noong high school.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagkasama sina Coleen at Diego noong 2022 sa pelikulang “Adarna Gang” na ipinalabas sa Vivamax. ‘Wag palampasin ang kanilang tambalan ngayon sa mga sinehan sa buong bansa simula sa May 15, mula sa Viva Films at Studio Viva.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending