Coleen naka-bra't panty lang sa 'Isang Gabi'; Diego palaban din

Coleen naka-bra’t panty lang sa ‘Isang Gabi’, Diego hubad kung hubad din

Ervin Santiago |April 29,2024
facebook
share this

Coleen naka-bra’t panty lang sa ‘Isang Gabi’, Diego hubad kung hubad din

Ervin Santiago - April 29, 2024 - 12:15 AM

Coleen naka-bra't panty lang sa 'Isang Gabi', Diego hubad kung hubad din

Diego Loyzaga, Coleen Garcia at Mac Alejandre

PARA sa Vivamax pala talaga ang bagong pelikula nina Coleen Garcia at Diego Loyzaga na “Isang Gabi” directed by Mac Alejandre.

Kaya naman totoong nagdalawang-isip sina Coleen at Diego na tanggapin ang project dahil bukod sa matitinding sex scenes ay mahirap din ang demands ng kanilang mga karakter.

Aside from this, nahirapan din silang magdesisyon kung gagawin ba talaga nila ang “Isang Gabi” dahil nga medyo nawiwirduhan sila sa mga eksenang may halikan at love scenes. Sa tunay na buhay kasi ay parang magkapatid na ang turingan nila.

Baka Bet Mo: Lalaking nadamay sa hiwalayang Moira at Jason nagsalita na: Ako ang handler nila, pakiusap umiwas na tayo sa tsismis

“At first, medyo nagdalawang-isip kami. Two reasons, one reason was because the material’s really very difficult.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Originally, yung script na ito was sexier, it was for Vivamax. Pero siyempre, marami silang binago and heavy drama kasi yung pelikula.

“Nagdalawang-isip ako sa sarili ko kung kaya ko ba, kung mabibigyan ko ba ng justice.

“And then, another reason pa, si Diego ang kasama ko kasi para kaming magkapatid. Para ko siyang little brother. ‘Kaya ko bang gawin ito?’

“It was a big factor pero nagawa naman namin nang maayos,” ang paliwanag ni Coleen sa ginanap na mediacon ng “Isang Gabi” last Wednesday, April 24.

Baka Bet Mo: #MayAsimPa: Andrea del Rosario game na game pa rin sa love scenes, certified hot mama sa edad na 44

Kuwento pa ni Coleen, ipinaalam din niya sa asawang si Billy Crawford ang mga intimate scenes nila ni Diego sa movie.

“Actually, ito yung first script in a long time na hindi niya nabasa. So, hindi niya alam kung ano ang magiging istorya sa mismong pelikula.

“But I do tell him about the scenes that I’m shooting kasi ayoko naman ng gulatan. Parang hindi naman tama yon na biglang magugulat na lang siya na may mga ganoong eksena ako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“So, without giving away the story to him, kasi gusto ko rin na makuha yung organic reaction niya sa buong kuwento, sinabi ko sa kanya kung ano yung mga klaseng scenes yung sinu-shoot ko. Kung how far I went and everything,” sey ng aktres at celebrity mom.

Dagdag pa niya, “I would say pa nga na mas uncomfortable ako kesa sa kanya. Sinasabi niya, ‘Ano ba, Love, okay lang yan. Kailangan yan for the movie.’

“I would say na mas nakaramdam pa nga ako ng discomfort, si Billy wala,” aniya pa.

Sabi naman ni Direk Mac, totoong mahirap ang role ni Coleen sa “Isang Gabi” na isinulat ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee dahil bukod sa demanding ang karakter ay bra at panty lang ang suot niya sa kalahati ng movie.

“Mahirap gawin yung pelikula. Naintindihan ko kung bakit sila umatras noong una. Hindi lang dahil sa mga sexy scene, half of the film, halos naka-panty at bra lang si Coleen tapos naka-briefs lang si Diego.

“We pitched this para sa Vivamax. Nu’ng narinig ni Boss Vic (del Rosario) yung kuwento, sabi niya, ‘Hindi ito pang-Vivamax. Pang-cinema release ito. Maghintay tayo ng tiyempo. Gagawin natin para sa cinema.’

“Pagkatapos kong i-edit yung pelikula, so nag-picture lock na yung pelikula, ipinapanood ko kay Ricky (Lee). Ang sabi ni Ricky, ‘Mac, sulit na nag-antay tayo.’ Kasi ang feeling niya, sina Diego at Coleen, perfect casting.

“So, tuwang-tuwa si Ricky nang makita niya yung performances nu’ng dalawa,” sabi pa ng award-winning director.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ang “Isang Gabi” sa mga sinehan simula sa May 15 kung saan kasama rin sina Alex Medina, Yayo Aguila, Soliman Cruz at Angelica Hart
Ito’y mula sa Viva Films at Studio Viva.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending