Lalaking nadamay sa hiwalayang Moira at Jason nagsalita na: Ako ang handler nila, pakiusap umiwas na tayo sa tsismis | Bandera

Lalaking nadamay sa hiwalayang Moira at Jason nagsalita na: Ako ang handler nila, pakiusap umiwas na tayo sa tsismis

Reggee Bonoan |June 02,2022
facebook
share this

Lalaking nadamay sa hiwalayang Moira at Jason nagsalita na: Ako ang handler nila, pakiusap umiwas na tayo sa tsismis

Reggee Bonoan - June 02, 2022 - 06:39 AM

Moira dela Torre, Mac Merla at Jason Hernandez

HINDI maganda ang kumakalat na balitang miyembro umano ng LGBTQIA+ community ang asawa ni Moira dela Torre na si Jason Marvin Hernandez.

Nabahiran ng malisya ang ipinost na larawan ng tinaguriang lalaking Marites na si Xian Gaza na kasalukuyang nasa UAE kung saan makikitang may katabing lalaki si Jason sa loob ng eroplano.

Ipinost ng self-proclaimed Pambansang Tsismoso ang larawan ni Jason at ng handler niyang si Mac Merla ng Cornerstone Entertainment habang nakaupo sa eroplano.

Walang caption na inilagay si Xian pero nasabay naman kasi ito sa pagputok ng balitang hiwalay na sina Jason at Moira base na rin sa pag-amin ng asawa ng “Idol Philippines” coach.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jason Marvin (@jasonmarvinph)


Kaagad nag-trending ang post na ito ng lalaking Marites na umabot sa 19,000 shares at nabasa namin ang ilang komento na tinatanong si Xian kung sino at ano ang ibig sabihin ng ipinost niya na sinagot naman niya ng, “It was just a random upload. No meaning at all.”

Wala palang meaning, bakit niya opinost? At may nabasa rin kaming “pinalaya” na raw ni Moira si Jason.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay sinabihan kami ng handler nina Moira at Jason na si Mac na hinihintay din nila ang official statement ng una na ilalabas this week.

At bago pa ang statement ni Moira ay naglabas na si Mac ng sarili niyang pahayag tungkol sa isyung sangkot siya sa hiwalayan ng mag-asawa.

Ni-repost ni Mac ang larawan nila ni Jason na nasa eroplano na ipinost nga ni Xian Gaza sa kanyang Facebook account at ang caption niya, “Saw this post of Xian which has become a subject of malicious speculation.

“Just for the sake of clarity, for those who do not know us, I am Mac Merla of Cornerstone Entertainment Inc. I am the handler of Jason and Moira.

“This was taken during our flight to Dubai for Moira’s event which was taken by Moira herself. This is a very difficult time and we continue to pray for both of them.

“Pakiusap ko lang sana sa inyo bilang malapit nilang kaibigan na sana umiwas na tayo sa mga speculations na hindi nakakatulong sa napakahirap na sitwasyon na pinagdaraanan ni Moi and Jason,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami naman ang nag-share sa pahayag na ito ni Mac na as of this writing ay umabot na sa 103 shares in just 40 minutes at marami rin ang nagpakita ng suporta sa kanya pati na kina Jason at Moira.

Jason Hernandez kinumpirmang hiwalay na sila ni Moira dela Torre: I’m sorry for everyone I hurt…

Jason sa 3rd anniversary nila ni Moira: She makes the best cookies & cinnamon rolls, she makes utos a lot but I secretly like it

Moira, Jason Marvin nagkatampuhan daw pero hindi naghiwalay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending