SB19 Stell pasok uli bilang coach sa The Voice Kids: Choose me

SB19 Stell pasok uli bilang coach sa The Voice Kids ng GMA: Choose me!

Ervin Santiago |April 24,2024
facebook
share this

SB19 Stell pasok uli bilang coach sa The Voice Kids ng GMA: Choose me!

Ervin Santiago - April 24, 2024 - 06:20 AM

SB19 Stell pasok uli bilang coach sa The Voice Kids ng GMA: Choose me!

SB19 Stell

CONFIRMED! Magbabalik nga ang SB19 member na si Stell bilang isa sa mga coach ng “The Voice Kids Philippines” sa GMA Network.

Mismong si Stell ang nag-announce nito nang mag-guest siya episode ng “All-Out Sundays” nitong nagdaang April 21.

“Mga Kapuso, mga ka-AOS ito na nga ang pinakahihintay n’yong lahat. Matapos nating mahanap ang first grand winner ng The Voice Generations na galing sa Stellbound…

Baka Bet Mo: Stell kumikita na nang bonggang-bongga para sa sarili at pamilya; sinigurong hindi mabubuwag ang SB19

“Siyempre ngayon, handa na rin kaming hanapin ang pinakamagaling na pambato ng mga batang Pinoy,” ang pahayag ng main vocalist ng SB19.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Stell Ajero (@stell16_)


Ibinahagi pa niya na pwedeng-pwedeng sumali ang mga kids ages 7 to 14 years old at niyaya pa ang mga ito na mag-audition na para maka-join na sa kanyang team.

“Kaya naman audition na, and choose me! Coach Stell! Stell is the name and winning is my game!” excited pang sey ni Stell.

Matatandaang isa si SB19 Stell sa mga naging coach sa “The Voice Generations” last year kasama sina Julie Anne San Jose, Billy Crawford, at Chito Miranda.

Ang grupong Vocalmyx na nasa kanyang Team ang itinanghal na grand champion sa naturang reality singing search.

* * *

Managot na ang dapat managot dahil patuloy ang pagsabog ng katotohanan sa pambansang revenge drama tuwing hapon — ang “Makiling”.

Baka Bet Mo: Kakai Bautista grabe magpaka-fan girl kay Stell ng SB19: ‘Sobrang nagustuhan ko siya kasi…’

Mukhang malapit na talaga ang katapusan ni Portia (Myrtle Sarrosa) dahil hindi na mapigilan ang paglabas ng kanyang mga baho, lalo na ang masasamang nagawa niya sa pamilya ni Amira (Elle Villanueva) ilang taon na ang nakalipas.

Paano kaya haharapin ng magkapatid na Amira at Rose (Thea Tolentino) ang lihim na katotohanan ukol sa pagkamatay ng kanilang ama?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Myrtle Sarrosa (@myrtlegail)


Damang-dama rin ang emosyon sa eksena nang aminin ni Seb (Kristoffer Martin) kay Maxine (Claire Castro) ang ginawa niyang panggagahasa kay Amira noon.

Marami tuloy ang lumalabas na haka-haka mula sa mga marites kung magiging game over na ba ang relasyon ng dalawa.

Dahil sa tumitinding mga kaganapan, hindi na rin makabitiw sa pagsubaybay ang sambayanan! Umabot nga ng mahigit 1.8 million views ang latest trailer ng serye at patuloy itong pinag-uusapan online.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang mas umiinit pang mga eksena sa “Makiling”, 4 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending