SB19 game na game makipag-collab sa BINI: Let's make it happen!

SB19 game na game makipag-collab sa BINI: Let’s make it happen!

Ervin Santiago - April 22, 2024 - 01:29 PM

SB19 game na game makipag-collab sa BINi: Let's make it happen!

SB19

SIGURADONG magpipiyesta nang bonggang-bongga ang fans ng P-pop super group na SB19 at ng BINI supporters kapag natuloy na ang kanilang collab.

Nagpahayag na ng positive reaction ang mga members ng SB19 sa mga nagre-request na sana’y magkaroon sila ng project ng BINI na tinaguriang “Nation’s Girl Group.”

“Yes, definitely hindi naman po imposible. We’re open for everything. I think kapag pinagsama ‘yung musicality ng dalawang grupo, there will be something bago sa pandinig at pananaw ng mga tao.

“Wala pong imposible sa lahat. Let’s make it happen,” ang pahayag ni SB19 Felip sa panayam ng ABS-CBN.

The group also shared their enthusiasm for the increasing presence of Pinoy pop groups on the international stage, with Pablo saying he’s excited for the future of P-pop.

Baka Bet Mo: SB19 pinutakti ng ‘stalkers’, pakiusap ng grupo: ‘Respect our privacy…’

Sey naman ni SB19 Pablo, “Honestly, excited po ako sa future ng P-pop. Sabi nga nila ‘strength in numbers,’ so sana maging mainstream na siya at mas suportahan pa siya kasi nakikita na talaga ‘yung attention.

“Nakukuha na talaga ‘yung attention ng ibang bansa pagdating sa P-pop. Kaunting support pa and I think we could reach greater heights,” dagdag pa niya.

Ang iba pang members ng SB19 ay sina Stell, Josh at Justin.

Samantala, pagkatapos mag-viral ang collab ng bandang SunKissed Lola at ng Puregold para sa kanta nilang “Pasilyo”, mukhang may mga susunod pang pasabog ang naturang kumpanya.

Tuwang-tuwa ang fans ng banda sa inilabas na video ng bagong musika ng SunKissed Lola.

Tampok ang mga lyrics na, “Burahin ang anumang duda sa sarili mo,” ipinapangako ng kanta na magsisilbi itong inspirasyon at pagmumulan ng pagtitiwala sa sarili.

Kasunod nito, true nga kaya na ang next ka-collab ng PG ay ang SB19, BINi at si Flow G? Sa napanood kasi naming teaser ay mukhang pasok na nga ang BINi bilang bagong ambassador ni Aling Puring.

Siguradong mas bongga kung magko-collab ang SB19 at BINi para sa proyektong ito dahil siguradong pasabog kapag nagsanib-pwersa ang dalawang grupo.

In fairness, bongga rin naman talaga ngayon ang BINi and I think dasurv na dasurv nila ang bago nilang endorsement.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang BINi ay binubuo nina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena. Nabuo ang kanilang grupo noong 2021.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending