Kathryn pak na pak sa K-drama na 'Vagabond 2' ni Lee Seung-gi

Kathryn bagay sa ‘Vagabond 2’ ni Lee Seung-gi; Chavit gagastos ng $1-M

Ervin Santiago - April 23, 2024 - 07:50 AM

Kathryn bagay sa 'Vagabond 2' ni Lee Seung-gi; Chavit gagastos ng $1-M

Kathryn Bernardo, Chavit Singson at Lee Seung-gi

AGREE ba kayo mga ka-BANDERA kung isama si Kathryn Bernardo sa second season ng hit K-drama na “Vagabond” na pagbibidahan pa rin ng South Korean superstar na si Lee Seung-gi?

Isa sa mga magiging producer ng naturang Korean action series ay si dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson na kaibigan at business partner ni Lee Seung-gi.

Dati nang nagpo-produce ng pelikula si Manong Chavit kaya naman nang makachikahan siya ng mga opisyal at miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) last Saturday ay natanong siya kung ayaw na ba niyang gumawa uli.

Baka Bet Mo: Korean superstar Lee Seung-gi love na love ang Pinas; namigay ng pagkain sa 200 bata sa Quezon City

“Gusto ko pero wala akong makuhang ka-partner,” aniya. Kaya nga raw pumayag siyang maging co-producer ng “Vagabond 2” bilang tulong na rin sa entertainment industry.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Bukod kasi sa mga Korean stars, plano rin ng production na kumuha ng ilang sikat na Filipino actors para makasama sa serye ni Lee Seung-gi.

“Si Lee Seung-gi ang endorser ko sa BB.Q Chicken. Kaya madalas kaming nagkikita sa Korea, mga producer niya, writer.

“Kaya nag-uusap kami doon. Naipakita nila up to 16 episodes (season 1), so na-decide nila na itutuloy, dahil hanggang ngayon hindi pa nalaman kung sino ang mastermind (sa plot twist ng kuwento).

“Kaya nabibitin ang tao. Kung itutuloy nila, dito na sa Pilipinas para maisama ko yung mga local artists,” ani Gov. Chavit.

Baka Bet Mo: Korean superstar Lee Seung-gi gagawa ng K-drama sa Vigan; makikipag-collab kay Chavit Singson para sa pagpapatayo ng ‘Little Seoul’ sa Pinas

Ang tantiya ng dating gobernador ay $20 million ang production budget ng second season ng “Vagabond” at baka raw $1 million ang isosyo niya.

“Mababawi siguro dahil popular show yun. Inaabangan ng marami. Sososyo ako para lang makasama yung mga local artists natin,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


“Palagay ko naman matutuloy dahil ginagawa na yung istorya, yung script. Kasi ganu’n sila, ginagawa muna yung ano (script) para mabilis.

“Hindi kagaya dito na kung ano ang maisip nila, bukas, iisipin pa nila. Naku! E, magastos yun! Sila, tuluy-tuloy dahil may sinusunod (na script at schedule),” sabi pa ni Manong Chavit.

Natanong siya kung may naiisip na ba siyang local stars na isasama sa season 2 ng “Vagabond”, “Wala pa naman, pero bahala silang mamili.”

May gustoba siyang irekomenda kay Lee Seung-gi at sa production? “Wala. Kung sino lang ang mapili nila dahil ayaw ko namang makialam sa ano. Magpi-finance na lang ako.

“Bahala na sila. Mahirap yung ako ang mamimili, e,” sey pa niya.

Kaya naman may nag-suggest na pwedeng-pwede si Kathryn sa naturang proyekto dahil bukod sa kanyang superstar status ngayon ay marami rin ang siguradong susuporta sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Oo, mga sikat din dito ang kukunin nila,” ang pag-agree naman ni Gov. Chavit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending