Sunkissed Lola may kaabang-abang na collab sa isang sikat na grocery store
NA-CURIOUS kami sa cover picture ng isang sikat na grocery store sa bansa sa Facebook dahil ang itinampok ang grupong Sunkissed Lola.
Papasukin na rin ba ng kilalang kumpanya ang music scene pagkatapos ng positive feedbacks ng CinePanalo Film Festival na ginanap sa Gateway Cinemas nu’ng March 15 to 17?
Maingay din kasi ngayon sa social media ang ispekulasyon na magkakaroon ng kolaborasyon ang Puregold sa mga kilalang singers at music artists na sinimulan na ng grupong Sunkissed Lola at nilabas na rin ang teaser nitong April 12.
Noong April 17, isang pasilip ang ibinandera sa Facebook page ng grocery store kung saan tampok ang litrato ng SunKissed Lola at maririnig ang kanta nila na “Pasilyo” na may mahigit 204 million streams sa Spotify.
Baka Bet Mo: Jhong Hilario ibinandera ang ‘snack shopping’ with Sarina, pinusuan ng netizens: ‘Marunong na mag-grocery!’
Kahit nasa 20 segunda lang ang video, makikita sa comment section na maraming fans ang tuwang-tuwa at tila nasasabik na sa ilalabas na bagong kanta ng SunKissed Lola na nilikha para sa collab with Puregold.
Tampok ang mga lyrics na, “Burahin ang anumang duda sa sarili mo” na ipinapangako ng kanta na magsisilbi itong inspirasyon at pagmumulan ng pagtitiwala sa sarili.
Ngayon pa lamang, nagpapakita na ang pasilip na ito sa laging “panalo” na pakiramdam na laging ipinapakita sa mga marketing campaign ng kumpanya at mukhang malaki ang nais nilang makamit sa kolaborasyon na ito sa musika.
Sabik nang naghihintay ang mga music fan sa bansa sa mga susunod na anunsyo at kumpirmasyon ng makakatambal ng grocery store na mga artista sa musika.
Anyway, Iisa pang ikina-curious namin ay may mga grupong naka-silhouette na makaka-collab din base sa mga ipinakita sa post ang mga letra na lumalabas sa screen: SL, SB, FG, at BN.
Baka Bet Mo: Discount ng senior citizens, PWDs sa ‘grocery’ tataas na ng P500 kada buwan
Panghuli, lumabas ang mga sumusunod na letra: GRFSB. Ang parehong mga letra na ito ay nasa opisyal na pamagat ng bidyo, #Puregold_GRFSB. Malinaw sa unang bidyo kung ano ang ibig sabihin ng mga letrang ito ay “Get ready for something big!”
At kahapon ay may panibagong post na nagbigay pa ng mga pasilip na pinamagatang #Puregold_GRFSB, nagpakita ang post ng mga anino.
Kung susuriin nang mas maigi, may apat na litrato sa video, tatlong grupo at iisang indibidwal. Nagtapos ang video na nangangako ng mas marami pang darating sa May 2024.
Nagpdala kami ng mensahe sa festival director ng PG na si Chris Cahilig para tanungin ang tungkol dito pero hindi pa kami nasagot hanggang matapos naming sulatin ang balitang ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.