Yuki Sakamoto nakipag-sex sa beach kahit may ibang tao

Yuki Sakamoto nakipag-sex sa beach kahit may ibang tao: Exciting!

Ervin Santiago - April 18, 2024 - 06:40 AM

Yuki Sakamoto nakipag-sex sa beach kahit may ibang tao: Exciting!

Yuki Sakamoto, Shiena Yu at Reina Castillo

NAKATANGGAP na rin ang palabang Vivamax sexy actor na si Yuki Sakamoto ng mga indecent proposal mula sa mga bading at matrona.

Marami raw siyang nare-receive na offer noong binata pa siya at nagsisimula pa lamang sa showbiz dahil sa kanyang mga nagawang sex movies.

Unang nakilala si Yuki sa showbiz bilang finalist sa reality talent search na “Bidaman” ng “It’s Showtime” pero mas umingay ang pangalan niya nang gumawa na siya ng mga pelikula sa Vivamax.

Baka Bet Mo: David, Edgar nakatanggap na ng indecent proposals; EA inalok ng P100k kapalit ng ‘eyeball’

Sa bago niyang pelikulang “Wanted: Girlfriend” na napapanood na ngayon sa naturang streaming app ay natanong si Yuki tungkol sa mga indecent proposal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Takayuki Sakamoto (@yukizakamoto)


“Before, yes, meron. Pero ngayon, wala, e. Feeling ko, takot sila sa asawa ko. Walang nag-o-offer sa akin nang ganoon,” ani Yuki.

Para kay Yuki, kahit marami na siyang nagawang sexy movies ay hindi pa rin siya nasasanay at nadadalian sa paghuhubad at sa paggawa ng mga love scene.

“Sobrang hirap ng mga eksena dahil nagte-take pa ng ibang angles. Sa sobrang hirap, after namin matapos yung scene, dinner time, tulog ako.

“Hindi na ako nakakain ng dinner kasi sobrang pagod. Pagkatapos na pagkatapos ng eksena, humiga na ako sa sofa, natulog ako. Paggising ko, roll na uli,” sey ng sexy actor.

Baka Bet Mo: Troy Montero nakatanggap ng mga indecent proposal mula sa babae at beki; aktor ‘pumapatol’ kapalit ng bagong kotse

Sa tanong kung nadadala ba siya sa pakikipag-sex scene sa kanyang mga leading lady, “Honestly, tinatanong din sa akin ng mga kaibigan ko. Pero kapag nasa shoot kayo, maraming tao.

“Naka-plaster kayo nang masakit. Sobrang shout out sa mga nagsusuot ng plaster. Sobrang masakit talaga. Swear, hindi siya biro.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vivamax Atin ‘To (@vivamaxph)


“Isa yun sa mga factor kung bakit hindi kayo madadala sa mga eksena kasi masikip, e, hindi talaga siya magagalit talaga,” paliwanag niya.

Sa kuwento ng “Wanted: Girlfriend”, isang lalaking alike sa sex ang role ni Yuki, kaya ang sumunod na tanong sa kanya ay kung gaano kahalaga ang sex sa isang relasyon.

“Importante talaga siya pero siyempre, lahat naman ng sobra, masama. So, okay siya para sa akin saka moderate lang. Huwag masyado, baka maubos,” sey ni Yuki.

Sa katunayan, nasubukan na rin niya ang mag-experiment pagdating sa sex, “Nagawa ko na siya in public. Once sa beach, 4:30 ng hapon, kasi may isang part ng beach na kailangan mo siyang lakarin nang konti.

“May mga nakaharang na bato then may lugar na may buhangin, du’n kami. Kahit may mga dumadaan na speedboat, hindi naman nila kami kilala.

“For the thrill, nakakadagdag siya ng happiness sa partner kung mag-e-explore kayo at yung meron kang feeling na mahuhuli ka, masarap sa feeling para sa akin,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood na ngayon ang “Wanted: Girlfriend” mula sa direksyon ni Rember Gelera. Ang mga kachurvahan naman ni Yuki sa movie ay ang wala ring takot sa paghuhubad na sina Shiena Yu at Reina Castillo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending