Kapitan at tresurerang nag-doggy sa Zoom meeting ng barangay, bumaba na sa pwesto
Bumaba na sa pwesto ang kapitan ng isang barangay sa Dasmariñas, Cavite na huli sa aktong nakikipag-doggy sa kanyang tresurara habang may Zoom meeting ang Sangguniang Barangay.
Ayon kay Jorge Magno, presidente ng Association of Barangay Captains sa siyudad, minabuti na ng kapitan na magbitiw sa tungkulin dahil sa malaking iskandalong naganap.
“Si barangay chairman nag-resign na po para sa ikatatahimik po ng lahat,” ayon kay Magno sa panayam ng dzBB ngayong Huwebes. “Humihingi po siya ng pang-unawa at pasensya sa lahat na ganoon ang nangyari.”
Sa teleconference ng sanggunian na ginanap nitong nakaraang linggo para pag-usapan ang COVID-19, huli sa camera ang kapitan habang nakababa ang pantalon at dino-doggy ang kanyang tresurera. Kapwa may asawa ang dalawang opisyal at ang mister umano ng tresurera ay kumpare pa ni kapitan.
Nang tanungin kung pati ang tresurera ay nag-resign, sinabi ni Magno na, “Sa pagkakaalam ko po nag-resign na rin.”
Isang petisyon ang umikot sa barangay na nanawagan sa pagbibitiw ng kapitan.
Sinabi rin ni Interior Undersecretary Ricojudge Echiverri na ang ginawa ng dalawa ay “conduct unbecoming of a public official” at ito ay kanyang paiimbistigahan.
https://bandera.inquirer.net/262571/ayaw-patalo-sa-brazil-kapitan-at-kanyang-tresurera-nag-doggy-sa-zoom-meeting-sa-dasmarinas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.