Sugarol na aktor ayaw nang mag-artista, mas type magpahada sa bading at matrona

By Cristy Fermin March 15,2019
share this

Sugarol na aktor ayaw nang mag-artista, mas type magpahada sa bading at matrona

By Cristy Fermin March 15,2019
share this

MATAGAL nang hindi aktibo sa paggawa ng pelikula ang isang hunk actor. Kahit sa telebisyon ay napakadalang siyang mapanood. Maraming nanghihinayang sa kanyang pagkawala dahil magaling siyang umarte.

Hinahanap siya ng marami, bakit daw hindi na siya aktibo ngayon, nanirahan na ba siya sa ibang bansa?

Pero nandito lang naman ang hunk actor, maraming nakakakita sa kanya sa isang lugar na mausok at maingay, du’n palaging nakikita ang magaling umarteng aktor.

Kuwento ng aming source, “Parang tinabangan na siya sa pag-aartista, puwede ring tinamad na siya, kaya hindi na siya visible ngayon. Kahit naman nu’ng umpisa pa lang, e, may katamaran na siya, meron lang bumabantay sa career niya.

“Wala siya sa ibang bansa, nandito lang siya, kaya lang, ayaw na yata niyang humarap sa mga camera.

May kuwento nga na panay-panay ang tawag niya sa mga Boogie Wonderland (read: bugaw, pimp) para ihanap siya ng client.

“Mismo! Mabilisang trabaho na lang ang hanap niya ngayon, ‘yung sandaling oras lang, e, datung na kaagad! Ganu’n na lang ang pinanggagalingan ng kabuhayan showcase niya ngayon!

“Talagang tumatawag siya sa mga Boogie Wonderland, puwede siya sa lalaki, puwede rin siya sa matrona, basta bayad ang serbisyo niya!” napapailing na kuwento ng chikadora naming impormante.

Sayang naman kung ganu’n na lang ang ginagawa ngayon ng hunk actor, kung pag-arte ang pag-uusapan ay marami siyang pakakainin ng alikabok, sa totoo lang!

Patuloy ng aming source, “Nawalan na siguro siya ng gana dahil ang dami-dami nang mga baguhang artista ngayon na di hamak na mas bagets kesa sa kanya! Tinamad na siguro siya sa pagpupuyat at sa paghihintay sa set!

“Anong nawawala siya? E, magpunta nga lang kayo sa mga lugar na mausok at maingay, nandu’n siya! Sugal to-the-max pa rin siya, kaya nangangailangan siya ng pampuhunan!

“Kaso, sabi naman ng ibang tinatawagan niya, e, matumal na ang booking ngayon ng hunk actor dahil hindi na siya fresh. Tumatanda na siya, tumaba pa, kaya tatay na tatay na ang dating ng malaki niyang tiyan!

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, ang tanong, panalo ba naman siya sa mga ginagawa niya ngayon? Mananalo ba siya sa paganu’n-ganu’n lang?” tanong-opinyon ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending