Konsehal ng Rio de Janeiro, nahuling nakikipag-sex habang may council Zoom meeting | Bandera

Konsehal ng Rio de Janeiro, nahuling nakikipag-sex habang may council Zoom meeting

Karlos Bautista |August 20,2020
facebook
share this

Konsehal ng Rio de Janeiro, nahuling nakikipag-sex habang may council Zoom meeting

Karlos Bautista - August 20, 2020 - 10:50 AM

Work from home, video conference–eto ang mga bagong normal na ibinunsod ng pandemya sa mundo.

At marami na ring nakakatawang insidente dahil sa mga livestream ng mga taong nagtatrabaho mula sa bahay: isang radio show crew ang nakunang naka boxer shorts, isang lalaking TV anchor ang nagbabalita mula sa sala ng kanyang bahay nang biglang may babaeng hubad na dumaan sa likod, at marami pang iba.

Pero sex habang may video conferencing?

Sa siyudad ng Rio de Janeiro sa Brazil noong nakaraang buwan, nagpulong ang city counci  gamit ang Zoom. Pinag-uusapan nila ang pagbabalangkas ng programa kung paanong pakakainin ang mga bata sa mga paaralan.

Ayon sa website na O Día, isa sa dumalo sa miting noong Hunyo 14 ay nakalimutang mag-sign out bago mag-make love.

Sapol sa camera ang myembro ng konseho at ng kanyang partner habang nagpapaligaya na naka-livestream.

Ayon kay Leonel Brizola, chair ng konseho, hindi kaagad napansin ng mga nagpupulong na  konseho ang mainit na eksenang nagaganap habang sila ay nagbabalangkas ng plano.

“Noong mapansin na namin ang nangyayari, kaagad naming ipinahinto ang camera at audio ng dalawa,” ayon kay Brizola.

Ayon naman sa isa pang myembro ng konseho, “Wala kaming nakita at narinig.”

Talaga?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending