Gov. Jonvic Remulla sa isyu ng ‘doggy show’ sa Dasmariñas: Move on na
Move on na.
Eto ang panawagan ni Cavite Governor Jonvic Remulla kaugnay sa isyu ng “doggy show” ng isang kapitan at kanyang tresurera sa isang barangay sa Dasmariñas.
Kasabay nito ay humiling si Remulla sa publiko ng kahit “konteng pang-unawa” dahil ang dulot na kahihiyan umano ng teleconference scandal ay “sapat nang parusa sa mga taong sangkot.”
“Sa pagkakaalam ko, ang kapitan ng Barangay Fatima Dos sa Dasmariñas, ang kanyang female staff, at ang kani-kanilang mga pamilya ay naproseso na ang insidente at pinili nilang manatiling magkakasama at kalimutan na ang nangyari,” wika ni Remulla sa kanyang post sa Facebook.
“Sa kasamaang palad, ang ‘pag-move-on’ ay nangangahulugan din ng pagkawala ng kanilang trabaho at kaakibat nitong mandato,” dagdag pa ni Remulla sa wikang English.
Sa teleconference ng Sanguniang Barangay na ginanap nitong nakaraang linggo para pag-usapan ang COVID-19, huli sa camera ang kapitan habang nakababa ang pantalon at dino-doggy ang kanyang tresurera. Kapwa may asawa ang dalawang opisyal at ang mister umano ng tresurera ay kumpare pa ni kapitan.
Matapos pumutok sa media ang issue, nagbitiw sa tungkulin nitong Huwebes ang kapitan at kanyang tresurera.
Pero pinaiimbistigahan pa rin ng Department of the Interior and Local Government ang insidente para alamin ang mga posibleng paglabag na nagawa ng dalawa sa code of conduct ng mga pampulikong opisyal.
Nilinaw ni Remulla na hindi niya ipinagtatanggol ang aksyon ng dalawang lider ng barangay na ayon sa kanya ay “inexcusable and ignorant.”
“Ang hinihingi ko lamang ay konteng pang-unawa. Tiyak ko na ang mga pamilyang sangkot ay sugatan na at malubhang nasasaktan. Dala nila ang kahihiyan na ito habang buhay,” wika niya.
“Ang kahihiyan lamang ay sapat nang parusa sa mga taong sangkot,” sabi ni Remulla. “Kaya’t tayong mga hindi naman kasali sa isyu na ito, dapat MOVE ON na rin.”
“Gamitin ang ating oras at atensyon sa mga bagay na may saysay para sa ikabubuti ng sarili. Bawal judgmental.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.